azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

apple abarquez – limang dipang tao lyrics

Loading...

limang dipang taong nagtutulakan
sa avenidang aking napagdaanan
nag-aabang ng masasakyan
patungo kung saan di ko malaman

sa aking jeepning sinasakyan
mayroong natanaw na mama
sa dinami-raming nagdaraan
ikaw pa ang nakita…
ikaw pa ang nakita, may kasamang dalaga

“para mama, dito na lang,
bababa na ako…”
“para mama, dito na lang,
heto ang bayad ko…”
“para na sabi, para na sabi,
para mama para na diyan sa tabi…”

limang dipang taong nagtutulakan
ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo
tinatanaw ang pag-akay mo
sa babaeng pinagseselosan ko

sa pagmamadali ay nadapa ako
sa bangketang kinatatayuan ninyo
lumapit ka at tinulungan ako
at kita’y tinitigan, mga mata’y nagkabanggaan
ano ba itong naramdaman?

“sorry, mama, pasensiya ka na!
akala ko’y asawa kita…”
“sorry, mama, pasensiya ka na!
sorry at naabala kita…”
“sorry na sabi, sorry na sabi
sorry mama sorry at napagkamalan ka!”
“sorry at napagkamalan ka!”

limang dipang taong nagtutulakan
sa avenidang aking kinatatayuan
nag-aabang ng masasakyan
patungo kung saan di ko malaman

limang dipang taong nag-uunahan
sa uunting sasakyang nagdaraan
sayang ang jeepning kanina’y lulan
at ngayo’y nagsisisi sa aking pagbubusisi
malaking pagkakamali

“para, mama, sasakay po
limang dipang taong nagtutulakan”
“para, mama, sasakay po
limang dipang taong nag-uunahan”
“para na sabi, para na sabi,
para mama, para na dyan sa tabi.”

“para na sabi, para na sabi,
para mama, para na dyan…”
“para na dyan… sa tabi.”
“para na sabi…
para na diyan sa… tabi”



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...