azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

davey langit – huling awit ng pag-ibig lyrics

Loading...

kay rami ko ng nabigyan ng bulaklak
at liham ng pag-ibig na minsa’y palpak
ganun din ang mga tsokolateng kay tamis

ngunit lahat naman sila ay nagsipag-alis

at ako ay iniwanan ng mga ala-ala
na aking naisulat saaking mga kanta
ngunit ang lahat ng ito
ay bago ka makilala

kaya ng-yon ay susubukan ko
na ito na ang huling awiting isusulat ko
tungkol sa pinapangarap kong pag-ibig na sobrang ilap
ikaw pala ang aking hinahanap

at kung mas maaga tayong nagkakilala
malamang walang pag-asang maging tayong dalawa
dahil ako ay isang ligaw na bata
na akala ay pag-ibig na, o ‘di naman pala

kaya’t akin na ring pasasalamatan
ang mapaglaring tadhana’t mga dating sininta
dahil kung di kami nagkalayo
ay hindi ko mahahanap ang daan tungo sa’yo

kaya ng-yon ay susubukan ko
na ito na ang huling awiting isusulat ko
tungkol sa pinapangarap kong pag-ibig na sobrang ilap
ikaw pala ang aking hinahanap

tapos na ang paghahanap
ikaw na ng-yon ang aking yakap-yakap
ikaw pala ang aking hinahanap



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...