gary granada – dito na lyrics
dito na, dito na…
dito na napalapit ang puso
buhat nang minsan ay mapasyal
at sa nayong dati ay kaylayo
dito na ako magtatagal
sa haplos ng hangin mong amihan
at busilak na mga bukal
ang sarapsarap na manirahan
sa dampa ng iyong pagmamahal
dito na rin magsisikhay
dito na rin maghahasik
at kung sakaling maglalakbay
dito at dito rin babalik
at ang damdaming nakapinid
dito na rin maaantig
at mananahan dito sa iyong dibdib
dito na pati ang mga labi
ay natuto na magpahayag
at ngayon ko lamang nasasabi
sa aking pinakaliliyag
ang nilalaman nitong damdamin
na laman ng bawat kong dasal
na pag-ibig ko ay pagpalain
sa dampa ng iyong pagmamahal
(interlude)
at ang damdaming nakapinid
dito na rin maaantig
at mananahan dito sa iyong dibdib
ang nilalaman nitong damdamin
na laman ng bawat kong dasal
na pag-ibig ko ay pagpalain
dito na, dito na, dito na, dito na
dito na, dito, dito, dito na
sa dampa ng iyong pagmamahal
dito na, dito na…
Random Lyrics
- sachi tainaka – saikou no kataomoi lyrics
- fabio concato – festa di mare lyrics
- offenbach – seulement qu’une aventure lyrics
- angry samoans – tuna taco lyrics
- this is hell – dead salutes lyrics
- this is hell – moving targets lyrics
- this is hell – retrospect lyrics
- this is hell – prelude (again) lyrics
- this is hell – permanence lyrics
- this is hell – deliver me lyrics