aneka abarrientos - bakit ('pag pinahiwatig) lyrics
[intro]
bakit?
bakit?
bakit?
bakit?
[verse 1]
dating gawi, papasok nang kabado sa isang silid
panibagong araw, postura’y ‘di ko man maituwid
wala ni isang sulok na may mukhang nababatid
pero nang makita ka, muntik pang masamid
[verse 2]
lipat ng upuan, sawsaw sa usapan kahit walang alam
sa’king tabi panay ang tawa kahit ‘di niya alam
na unti+unting humahanay sa langit ang mga bituin
na sa ngiti niya’y nabihag ang aking damdamin
[pre+chorus 1]
bawat minuto ng orasan
mas lalong ‘di maintindihan
kung ano nga ba ang dahilan
nitong aking nararamdaman
[chorus]
bakit ‘di ko mawari kung ano ang gusto ko?
bakit ‘di ko malaman ang laman ng puso mo?
bakit ‘di ko alam? bakit ‘di ko maramdaman?
bakit?
[verse 3]
bawat bigkas ng pangalan ko, ako’y kinakabahan
sa bilis ng takbo mo’y puwede ba tayong magdahan+dahan?
‘di ko pa alam, ‘di ko pa alam kung saan ang patutunguhan
(sa’n ba tayo pupunta?)
pero puwede bang, pero puwede bang
‘wag na lang
[pre+chorus 2]
kada minutong lumilisan
mas lalong ‘di maintindihan
kung ano nga ba ang dahilan
nitong aking nararamdaman
[chorus]
bakit ‘di ko mawari kung ano ang gusto ko?
bakit ‘di ko malaman ang laman ng puso mo?
bakit ‘di ko alam? bakit ‘di ko maramdaman?
[post+chorus]
bakit sa paningin ko lahat ay magbabago
sa sandaling makarating ang mga lihim ko?
gusto kong malaman mo ang aking nararamdaman
pero bakit?
[bridge]
‘pag ba pinahiwatig ang matagal nang nakatago
masasabi mo ba sa’king “‘di rin magbabago
ang damdamin ko at ang pagtingin sa’yo”
oh oh woah
[chorus]
bakit ‘di ko mawari kung ano ang gusto ko?
(ba’t ‘di mawari?)
bakit ‘di ko malaman ang laman ng puso mo?
(ano ba ang laman ng puso mo?)
bakit ‘di ko alam? bakit ‘di ko maramdaman?
[outro]
oh, bakit sa paningin ko lahat ay magbabago
(magbabago)
sa sandaling makarating ang mga lihim ko?
gusto kong malaman mo ang aking nararamdaman
(gusto kong malaman mo)
pero bakit?
Random Lyrics
- besh - khasees lyrics
- sub-zer0 - la câlin (dabro remix) lyrics
- itsukisfuneral - waifu problems lyrics
- justicexavier - can't be alone lyrics
- the warning - revenant lyrics
- astralphaser - the victor tran song (official full version) lyrics
- vĩnh thuyên kim - mình chia tay rồi mà lyrics
- tin kdvr - comatose lyrics
- carolesdaughter - xo i hope u die lyrics
- скол (scol) - отражения (reflections) lyrics