alamid – handog ng pilipino sa mundo lyrics
di na ‘ko papayag mawala ka muli.
‘di na ‘ko papayag na muli mabawi,
ating kalayaan kay tagal natin mithi.
‘di na papayagang mabawi muli.
magkakapit-bisig libo-libong tao.
kay sarap palang maging pilipino.
sama-sama iisa ang adhikain.
kailan man ‘di na paalipin.
ref:
handog ng pilipino sa mundo,
mapayapang paraang pagbabago.
katotohanan, kalayaan, katarungan
ay kayang makamit na walang dahas.
basta’t magkaisa tayong lahat.
masdan ang nagaganap sa aming bayan.
nagkasama ng mahirap at mayaman.
kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
naging langit itong bahagi ng mundo.
huwag muling payagang umiral ang dilim.
tinig ng bawat tao’y bigyan ng pansin.
magkakapatid lahat sa panginoon.
ito’y lagi nating tatandaan.
(repeat refrain two times)
coda:
mapayapang paraang pagbabago.
katotohanan, kalayaan, katarungan.
ay kayang makamit na walang dahas.
basta’t magkaisa tayong lahat!
Random Lyrics
- alaina alexander – brass in pocket lyrics
- alaina alexander – feeling good lyrics
- alain bashung – 2043 lyrics
- alain bashung – a ostende lyrics
- alain bashung – a perte de vue lyrics
- alain bashung – aficionado lyrics
- alain bashung – alcaline lyrics
- alain bashung – angora lyrics
- alain bashung – animal on est mal lyrics
- alain bashung – apres d’apres hostilites lyrics