alfie cereza – himig ng cotabato lyrics
verse i
kahit sa’n man ako makarating
maging sa ibayong-dagat man ako dalhin
ang pangakong binitiwan ay dadamhin
di maglalaho, ito’y aking tutuparin
verse ii
namulat sa dakila mong lupain
nasilayan na rin ang ganda mong angkin
sumapit man ang araw na ika’y di mapansin
ang himig na ito’y sasambitin
chorus:
lungsod ng cotabato
b-mabangon sa anumang hamon
malayang adhikain
patungo sa landas na inaasam
lungsod ng cotabato
ang hiwaga ay humahalina
mga pagsubok ay kinakaya
namumukod-tangi ang iyong taglay
verse iii
kahit ilang unos pa ang dumating
makakaahon sa lahat ng suliranin
ang bawat hirap ay mayroong katapusan
ang p-n-langin ay lagi nyang pakikinggan
verse iv
sa bayan na aking pinagmulan
hindi pa man malinaw ang kahihinatnan
mananaig ang pagkakaisa upang mahagkan
ang minimithing kaunlaran
(repeat chorus twice)
pag-asa sa iyo’y walang hanggan
pangako di kita tatalikdan…
Random Lyrics
- fragments of unbecoming – skywards – a sylphe’s ascension lyrics
- anchors – fuck knows lyrics
- dagons – sleep in perfume lyrics
- donny osmond – an if you know your history lyrics
- dope stars inc – 21st century slave lyrics
- dorsal atlantica – misery spreads lyrics
- faceless – planetary duality i: hideous revelation lyrics
- digital summer – crash lyrics
- karel y voltio – yal lyrics
- denison marrs – twilight: eyelight lyrics