azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

bbs (big band syndicate) - darating lyrics

Loading...

kung kailanagan mo ng kausap
kung kailangan mo ng karamay
kung kailanagan mo ako…
darating… darating

pinulot sa mesa ang baba, umapaw sa luha at nabaha
hindi makontinto may hindi na kontinto kaya ng-yon sayad ako sa lupa
teka lang, ng-yon parang di na yata yung ikaw?
na matibay ang loob at di basta bumibitaw?

nasaan ang isipan bakit para bang naliligaw
bakit ganyan ka mag isip, tila manggang nahihilaw
kase maasim, maasim kinakasadlakan?
mga balakid sa daan parang di na malagpasan

ng-yon wala na akong pera, wala pa rin trabaho
walang pinagbabago, at tila pasan pasan
mga problema, alam ko na kung minsan patong patong
na para bang bagyo na humampas sa barong barong
pero dapat ay bumangon, pag ikaw ay nadapa
pero bumangon man ako… wala pa rin magagawa…

kung kailanagan mo ng kausap
kung kailangan mo ng karamay
kung kailanagan mo ako…
darating… darating

alam mo, di lang ikaw ang may mga dalahin
may pag subok man sayo, meron din para sa akin
sa amin, sa kanila, at kung kani-kanino
walang hindi namomoroblema, kahit na sino

madali lang yan sabihin, mahirap na gawin
may bag-y na di mo makuha kahit pilit tyagain
parang babaeng niligawan, aagawan ang pansin
pero sa bandang huli baliwala pa rin

anung klaseng dahilan yan at parang baluktot
parang sinabi mong habang-buhay ka ng malungkot
kung mangangarap, akyat ka lang hanggang sa tuktuk
para bumaon ang pako dapat may pumukpok

ginagawa naman lahat, pero bakit sumasablay
sa agos ng buhay na pilit sumasabay
wag mawalan ng pagasa, marami ang gumagabay
dapat lalong tumatapang habang ika’y umaaray

kung kailanagan mo ng kausap
kung kailangan mo ng karamay
kung kailanagan mo ako…
darating… darating

kung kailanagan mo ng kausap
kung kailangan mo ng karamay
kung kailanagan mo ako…
darating… darating
darating……

at kung di ka k-mbinsido, eto makinig ka
dapat tibayan ang loob kapag ika’y nakidigma
marami ang mga pagsubok, hahamunin ang tigas
dapat magpakatatag, para hanguin ang bigas

na dati’y palay, mula sa palad ng magsasaka
bawat butil sa bukid hindi dapat mag pabaya
ang ugali ng pinoy, kahit may nagpapakaba
nakukuha pang ngumiti, kung minsan nagpapatawa

sana makuha ang punto, na hindi yan ang wakas
gamitin mo ang iyong puso at nat-tirang lakas
laging may hamon bawat bukas, ulan man kahit malakas
tandaan mo lang palagi na may langit sa taas

wag ka lamang alangan, manatili kang palaban
i-isa lang ang mundo na ating ginagalawan
may pag asang nakalaan, nasa iyo ang paraan
maglakbay ng diretso kahit maputik sa daan



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...