
bukas palad music ministry - pakikinabang lyrics
[berso 1]
tinapay na binasbasan, binunga ng lupa’t ulan
hinati at inialay, handog namin sa ‘yong hapag
lahat ng gutom paramin, o d’yos naming mahabagin
sa kataw+ng tatanggapin, pagsasaluhan sa piging
[berso 2]
ang alak na inumin— dugong aming tatanggapin
ang uhaw ay papawiin, lumbay nami’y tatanggalin
sa kalis ng bagong tipang amin ngayong iinuman
ganap na kapatawaran sa a+ming kasalanan
[berso 3]
hesus naming minamahal, buhay at naritong ganap
ang katawan at dugo mo ay amin nang tinatanggap
sa bawat na paggunita sa krus mo at pagkabuhay
aming laging nadarama, pag+ibig mong sadyang tunay
[optional verse for christmas, passiontide, feast of sacred heart, and easter]
sa ‘yong kapangana+kan, dangal muling itinatag
sa puso mong sinugatan, dumaloy ang iyong habag
sa ‘yong muling pagkabuhay, pag+asa nami’y sumilay
kapayapaang ‘yong bigay, dulot sa ‘mi’y bagong buhay
[optional verses for easter]
sa bisa ng aming binyag, kami’y ‘yong naging kapisan
kasama sa kamatayan, ka(i)’sa sa bagong bu+hay
espiritu’y panaogin, bayan namin ay baguhin
nang loob mo’y aming sundin, ikaw at kapwa’y ibigin
tulutan mong kami’y maging anong sa ‘min ay tumigib:
sa naapi’y katarunga’t paglaya sa napipiit
pag+asa ng nangangamba, paglingap sa dukha’t aba
pag+ibig na pinipita ng sa iyo’y umaasa
pagkain at inu+min na pinakikinabangan
handog ng d’yos sa bayan n’yang sinisinta’t hinihirang
kami nawa’y patnubayan, samahan sa paglalakbay
hanggang aming mahantungan ang buhay na walang hanggan
Random Lyrics
- desinteresse - de helse poort lyrics
- adahm - soft light lyrics
- kieran the light - found lyrics
- blood orchid - rot lyrics
- kendall joshua - lie 2 me lyrics
- elderbrook - chill mix lyrics
- lilsanti14 - flock stopped lyrics
- بيسان إسماعيل - hayhat - هيهات - bessan ismail lyrics
- disson - midolor lyrics
- bandametonimia - terminal vila carrão lyrics