
cup of joe - sandali lyrics
[verse 1]
nahuhulog na pala
mga dahon ng alaala ng nakaraan
nakalatag na sa ‘ting daan
nalulunod na pala
sa oras at kahit pa bali+baliktarin
ang agos ay nakakulong pa rin
[pre+chorus]
sumasabog na ang mga bituin
maaari bang tanungin?
kung maabot man natin ang hanggan
tatalon ka ba? kasi ako
[chorus]
kahit pa ang mundo ay gumuho
at ang kalangitan ay mahulog
‘di man alam ang gagawin
sa ‘yo pa rin, sa ‘yo pa rin
kahit araw at buwan ay magtalo
‘di magbabago aking pagsamo
tanging hiling, tanging hiling
ikaw ang aking huling sandali
[verse 2]
mawala man sa gitna ng gulo
ay hahawakan ang iyong kamay
tayo ay sabay na lalakbay
sa kalawakan na magsisilbing tulay
tungo sa ugnayan ng ikaw at ako (ikaw at ako)
tatalon nang sabay (hey)
[chorus]
kahit pa ang mundo ay gumuho
at ang kalangitan ay mahulog
‘di man alam ang gagawin
sa ‘yo pa rin, sa ‘yo pa rin
kahit araw at buwan ay magtalo
‘di magbabago ating pagsamo
tanging hiling, tanging hiling
ikaw ang aking huling sandali
[bridge]
tubig nasusunog, hangin nananakal
‘di man alam ang gagawin
sa’yo pa rin, sa’yo pa rin
ulap nalulunod, araw giniginaw
tanging hiling, tanging hiling
ikaw ang aking huling
[chorus]
kahit pa ang mundo ay gumuho
at ang kalangitan ay mahulog
‘di man alam ang gagawin
sa ‘yo pa rin, sa ‘yo pa rin
kahit pa ang mundo ay gumuho
at ang kalangitan ay mahulog
‘di man alam ang gagawin
sa ‘yo pa rin, sa ‘yo pa rin
kahit araw at buwan ay magtalo
‘di magbabago ating pagsamo
tanging hiling, tanging hiling
ikaw ang aking huling sandali
[outro]
kahit pa ang mundo ay gumuho
at ang kalangitan ay mahulog
‘di man alam ang gagawin
sa ‘yo pa rin, sa ‘yo pa rin
kahit araw at buwan ay magtalo
‘di magbabago ating pagsamo
tanging hiling, tanging hiling
ikaw ang aking huling sandali
Random Lyrics
- darkvly - strathmore lyrics
- space opera - my telephone artist (has come and gone) lyrics
- 2wink - twin wedding vows lyrics
- moongates guardian - mordor lyrics
- santonio79 - 4 deep lyrics
- jackthepogchamp68 - stolas vs horrid henry lyrics
- malefice13mafia - detraque 13 lyrics
- san-nom - alors ça va lyrics
- alko4 - senden saklayamam lyrics
- jessica leigh - a lot like you lyrics