dahong palay - lihim ni eurd lyrics
ama, pagmasdan mo sila
hindi nila alam ang kanilang ginagawa
patawarin mo ako,
kung ano man ang gagawin ko sa kanila
pinilit naming mabuhay ng tahimik
ngunit kalayaan ay inagaw nila sa amin
nagdidilim ang aking paningin
marami nang luha ang nasayang
ang ilog ng pighati ay wala nang mapaglagyan
sa aking paghihiganti, ako’y pagbigyan
ang langit na asul ay magiging itim
lalanghapin ang amoy at ihip ng malakas na hangin
nakakapasong lamig sa mga naghihintay sa akin
sa huling digmaan sa mga anak natin
ang paglubog ng araw ay simula ng walang
hanggang gabi
ang mga mata’y ililigtas sa parusa ng dilim
ako na lang ang tagapagtanggol ng iyong kaharian
amang hari ipasaakin ang kapangyarihan na magliligtas sa ating lahi
hindi ko nais ang korona at kayamanan
ang aking tanging hinihiling at dinadalangin
ay maibalik ang katarungan dito sa lupang
kinatatayuan
ako ay nagpapaalam tungo sa digmaan
espada sa aking kamay, sa kabila nama’y aking pangalan
sa king pagdating, pangako, bitbit ko’y katahimikan
Random Lyrics
- dahong palay - imortal lyrics
- dahong palay - talim lyrics
- dahong palay - sinapupunan lyrics
- dahong palay - sa bibig ng impyerno lyrics
- dahong palay - war and peace lyrics
- meet uncle hussain - halusinasi lyrics
- the ergs - a million perfect days lyrics
- the ergs - ashley sugarnotch lyrics
- the ergs - when you're squeeze lyrics
- the ergs - obligatory song about killing one's boyfriend lyrics