dian - espasyo lyrics
[dian:]
nag papaka busog nanaman
ang mga kalamnan
wala akong bulsa
walang ma pag lagyan
masyado ng manhid
malabo ng masaktan
ayoko na din pabalik balik pa sa hagdan
mas pinili kong lumutang
kesa ang mag paka lunod sa ilog
ayoko din magutom
bitin lang ba ito sa tulog
maka pwesto nga sa timog
baka kase dun sa sinilangan ay
merong mapala
buti pa sila nag bibig+y kahit na masama
mabilis pa nga mag abot
di mo mahahalata
mawawala na ang lungkot
kahit pansamantala
di ko na pinapansin
kung sinong tumatawag sakin
di na rin naririndi sa mga sigaw at iyakin
basta ang sarili ay kayang sanayin
kahit na mag isa wag mo silang hayaan na ika’y lamunin
isa pangalawa
patak pangatlo na
bangka kaya pa ba
may bag pa akong dala
tama na ang libang
wag mag paka hibang
kulang pa ang ilan
kung hanggang dyan nalang
mag linis nalang ng mga dumi
mag hihintay na ang uwak ay baka pumuti
kesyo kontra tupi
hanggang sa mabungi
bukas ay paki tahi
paki simot ng sami
[masamoth:]
di ko namalayan
unti unti nang nilalamon ako ng kalungkutan
hindi ko na malaman kung pano labanan
ang boses na sumisigaw sa aking isipan
ako’y naliligaw sa gitna ng kagubatan
kaya naisip kong lumipad sa kalawakan
baka sakaling maabot ko ang pangarap na
ang buwan at araw ay tuluyang magkatuluyan
tumingin sa kawalan ng kamalayan
hinihintay ang pagdating ng kalayaan
kaso bigla nang dumilim ang kalangitan
oras na muli para silyaban ang mahiwagang
dahon na nagsisilbing gamot
sa mga katanungan at iniindang kirot
mga katanungan na walang sagot
at para kalimutan ko ang nabigo nating sumpaan
meron nga bang luha akong dapat punasan
tanong sa sarili ano ba itong napasukan
may hiwaga bang nakatago sa likod ng pintuan at pag nakapasok ay walang labasan
bigla nang nagising sa himbing na tulog at tinanggal ang k+mot na parang nakabalot sa king katauhan kaso bakit balak ko pa din bumalik sa kanya kinabukasan
Random Lyrics