dilaw - sansinukob lyrics
[verse 1]
madilim ang salamin, nagtatagong mga bituin
sa likod ng ulap at ‘di ko maamin
nakasimangot ang buwan
sumisinag, maliwanag, tila bakit ’di ko ramdam?
[pre+chorus]
‘di ko maintindihan
[chorus]
sana’y nakikita ng ’yong mata sinta
kung sa’n sinubukan ko
kung sa’n sinukuan ko
[verse 2]
pundido na ang sikat ng araw
nakakabulag sa paningin
nananatiling takipsilim
naghihintay sa langit
mga hiling ‘di na tanaw
bilang na ba’ng mga bulalakaw?
[pre+chorus]
‘di ko maintindihan
[chorus]
sana’y nakikita, ng ‘yong mata sinta
kung sa’n sinubukan ko
kung sa’n sinukuan ko
sana’y naririnig, mula sa daigdig
langit ba talaga ang siyang magpapasya
[instrumental break]
[bridge]
sansinukob, sa’n susuko
sansinukob, sa’n susuko
[outro]
ang bawat apak at bakas
mga tinahak na landas
lumihis ba ang daan?
o sadyang ‘di lang tinadhana
ang bawat apak at bakas
mga tinahak na landas
lumihis ba ang daan?
o sadyang ‘di lang tinadhana
Random Lyrics
- our darkest days - the book lyrics
- staerf - miss you lyrics
- tuv - my dog died pt. 1 lyrics
- axe - a house is not a motel lyrics
- sid (jpn) - enamel lyrics
- onew (온유) - life goes on lyrics
- kaxxhixx - onlythingikno lyrics
- yemil - psicosexual lyrics
- jeezy. d - despedirme lyrics
- deimi & jzaeb - enigma remix lyrics