azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

eman industriya - morpema lyrics

Loading...

[intro]
lumaktaw
nilaktawan ko ang tatlong pahina
hindi ko alam kung bakit ngunit gusto nitong mauna
amoy ko ang nais na iparating ng aking musika
na inabuso ng mga balingbing na may huwad na sibika
pintig ng puso ko’y pagsusulat at pagbabasa
hindi ko na inisip kung sa panlasa mo ako’y papasa
kung iiwasan ko kayong lahat ay wala akong maikakasa
madaling umiikli ang lapis kung ang tulis ay iaasa sa nagtatasa

[verse 1]
literal ang pangyayari sasang+yon kang pikit mata
dinig palakpakan hindi puso ngunit ulo ang unang tumataba
silang mga nakalimot at tumingin sa kanan at sa kaliwa
silang mga gumagawa na tanging hangad lang ay mapapala
kaya ang sakit nitong panahon ay lalong lumalala
maraming nakakapit ngunit higit pa sa marami ang na dadala
nilulunok na lang nila pagka subo ay di na nginunguya
walang talo sa mga gumagawa ang natatalo lang ay ang tumataya

[chorus]
ang halik ng nakara’y dumalaw sa akin
sabik na lunurin upang palinawin
ang isang awitin binaklas sa damdamin
napag daanan mo na ba ang mga dapat kong tahakin
ang halik ng nakaraa’y dumalaw sa akin
sabik na lunurin ang mga diwa
ang mga diwa
(mga diwa)
mga diwa

[verse 2]
makabuluhan ang isang tunog kapag nag iiba ng kahulugan
ang salitang pinagsamahan impluwensya ng kapaligiran
sa tuntunin na banggit na hinahanap ng ka angkupan
at dadaluyan ng sanaysay gigil na kinakahunan
yung mga inukit sa pandinig ay may ginagampanan
mga punong pinutol para sulatan ay bigyan mo naman ng dahilan
kung sa mga kathang walang damdamin ay tinutungtingan
ang pagmamahal ng kalikasan ay hinding+hindi mo masusuklian

[pre+chorus:]
mga nakikinig, nakikinig ngunit hindi nakakaunawa
naka kadena ang memorya wala ng gumagapang na paglaya
paurong lang ang unang bwelo ng pana para tumama
kahulugan at nilalaman hindi sapat ang talimhaga
yung salitang tiwala minsan kailangan mo pang nakawain
pumuna ka muna sa salamin, bago ka pumuna sa tanawin
na ang morpema sa alala at karanasan mo ay aralin
hangga’t sa makita at malaman mo ang dapat mong hanapin

[bridge]
makita, malaman, mahanap
makita, malaman, mahanap
makita, malaman, at mahanap
ang morpema

[verse 3]
walang akong maipagmamalaki ako ay batang lansangan
na itinago ang mabahong ugali gumaspang sa gaspangan
natural na lang sa akin kung di mo ko pagkakatiwalaan
ako’y manipis sa manipis kung ang labanan ay pakapalan
ngunit pakinggan, tignan, simutin n’yo ko’t mabusog
kinakalampag nito mga diw+ng matagal ng tulog
kasinungalingan na nauuna ang kidlat sa kulog
katotohanan na mabibigat lang ang may kakayanang lumubog
paglilitis ng wika kung sasang+ayon sa kasabihan
pormalidad bang katagalugan ang palaman ng kaalamanan
imahinasyon kong kayang puntahan ng pinong kahulugan
lumalatay sa isip ano man ang aking palatunugan
ganyan, ganyan k+matawan ang direksyon ng aking produkto
pagkatao ng sumusulat ang tumutuokoy sa dayalekto
patungo sa mapanubok na pag sabak sa reyalismo
ang pagka letra sa pangalan ng industriyalismo

[pre+chorus]
mga nakikinig, nakikinig hindi naman nauunawaan
naka kadena ang memorya wala ng gumagapang na kalayaan
paurong lang ang unang bwelo tamaan na ang dapat tamaan
kahulugan at nilalaman hindi sapat ang mga tugmaan

[outro]
lumaktaw
oo, nilaktawan ko ang unang pahina
ng+yon alam ko na kung bakit gusto nitong mauna
amoy ko ang nais na iparating ng aking musika na inabuso ng balingbing na may huwad na sibika
pintig ng puso ko’y pagsusulat at pagbabasa
hindi ko na inisip kung sa panlasa mo ako’y papasa
kung iiwasan ko kayong lahat ay wala akong maikakasa
madaling umiikli ang lapis kung ang tulis ay iaasa mo sa nag tatasa
madaling umiikli ang lapis kung ang tulis ay iaasa sa nagtatasa
madaling umiikli ang pangungusap kung iaasa mo sa nagbabasa



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...