ensou - entropy lyrics
[verse 1: hatsune miku]
lumipas na ang oras nandito parin ako
nagbibilang ng luha na hindi natutuyo
natulala at naliligaw sa aking isipan
ang ala+alang aking binabalik+balikan
[pre+chorus: hatsune miku]
pipikit na lang ako
kailan ba ito hihinto?
[chorus: hatsune miku]
sa bawat pag+sikat ng araw
madilim na paligid ang natatanaw
sa bawat pag+ikot ng mundo
ang mga bituin ay dahan+dahang lumalayo
[verse 2: hatsune miku]
sumisigaw sapagkat walang nakakadinig
nakatingin sa silwuta mong di umiimik
nakahiga at nalulunod sa aking pagluha
ang ala+alang ating di na malilimutan
[pre+chorus: hatsune miku]
pipikit na lang ako
habang ika’y lumalayo sa akin
[instrumental]
[bridge: hatsune miku]
ang kwento natin ay lumilipas at umuulit
saglitang umiihip na parang hangin
pag+sapit ng bukas ako ay umaasa muli
na ikaw at ako ay muling magkatabi
[chorus: hatsune miku]
sa bawat pag+sikat ng araw;
madilim na paligid ang natatanaw
sa bawat pag+ikot ng mundo;
ang mga bituin ay dahan+dahang lumalayo
Random Lyrics
- warren zevon - roland the headless thompson gunner (tsp) lyrics
- gold steps - louder than words lyrics
- banjos likørstue - perker rappen lyrics
- sensoul - viagens lyrics
- whitney houston - my name is not susan (album edit) lyrics
- shazz - without me lyrics
- grey skies fallen - of the ancients lyrics
- macka b - power of the mind lyrics
- дима масленников (dima maslennikov) - ралли lyrics
- dknight (og ent.) - untouchable lyrics