
ericson acosta - sampung taon lyrics
sampung taong gulang itong si luisita
ang sabi nya siya ay mayrong mga nakita
lunting mga punlang katatanim pa lamang
anu’t bigla+biglang pinagsasagasaan
palay na kay hitik, aanihin na sana
siya ay napahibik pagkat ng+yo’y wala na nga
at nang siya’y tanungin kung san ba matatagpuan
ang taong salarin, ang taong may kagagawan
ang sabi niya ay naroon
sampung taong gulang itong si luisita
ang sabi nya siya ay mayrong mga nakita
mga kabukirang tila walang hangganan
haya’t di malinang, sadyang binabakuran
bahay na kay liit at tanging kayamanan
siya ay napapikit pagkat ng+yo’y abo na lang
at nang siya’y tanungin kung san ba matatagpuan
ang taong salarin, ang taong may kagagawan
ang sabi niya ay naroon
sampung taon na nga ng+yon ang pangyayari
si luisita’y nasa tiyan pa lang noon
ang tatay niya sa welga ay naging haligi
ibinuwal ng mga balang bumaon
at nang si luisita ay tanungin ng+yon kung san ba matatagpuan
ang taong siyang salarin noon, ang taong may kagagawan
ang sabi niya ay naroon
sa malacanang (naroroon)
sa malacanang (naroroon)
sa malacanang (mananagot)
sa malacanang (malalagot)
sampung taong gulang itong si luisita
Random Lyrics
- nikita w - estradiolo junkie lyrics
- rj london - pacman jones lyrics
- k zeus, king blaine - do what i want lyrics
- anson seabra - christmas list lyrics
- n.w.p jet$k! - diamonds lyrics
- dave dobbyn - bring the house down lyrics
- quinn - lean tears on her snow beach lyrics
- luverance - слова (words) lyrics
- epic rap battle parodies - bronies vs trekkies lyrics
- tome. (ph) - bakunawa lyrics