gary granada - kahit konti lyrics
maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
hatihati dahil masyadong masikip ang upuan
at kung iyong kausapin, ako nama’y hindi maselan
at payag matabihan, umusog lang, umusog ng konti
maari bang, maari bang umusog-usog ng konti
madadaan sa usapan ang maaring pag-awayan
sakali mang mayron kang napapansin, sabihin lang
at kung makatuwiran ako’y uusog din kahit konti
hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo
ngunit kahit kapiraso maaring magkasundo tayo
iba’t iba ang katuwiran ng tao sa lipunan
ngunit ang kailangan lang tayo’y huwag magtulakan
o kayraming suliranin, oras-oras dumarating
dahil di kayang lutasin hindi na rin pinapansin
subalit kung tutuusin, iisa ang dahilan
kaibigan, ayaw nilang umusog ng kahit konti
hindi naman buong-buo…
o kayraming suliranin…
at kung iyong kausapin, ang kadalasang dahilan
kaibigan, ayaw n’yo lang umusog ng kahit konti
Random Lyrics
- dub fx - don’t give up lyrics
- mina - rock and roll star lyrics
- slut - alienation lyrics
- el dojo - killa sound lyrics
- eric clapton - i can't hold out (elliot scheiner 5.1 mix) lyrics
- polysics - goody-goody lyrics
- spinvis - parel lyrics
- stiliti - il cassetto dei sogni lyrics
- hildegard knef - halt' mich fest lyrics
- kalmah - windlake tale lyrics