
gary granada - minsa'y isang bansa lyrics
minsa’y isang bansa ang nangangarap
nangarap sa gitna ng karimlan
makapagpahinga nawa sa hirap
at makawala sa kawalan
bayang nababalot ng hiwaga
hindi ka ba namamangha
lupa na sagana’t pinagpala
bakit naglipana ang dukha
minsa’y isang bansang nakipaglaban
nag-alay ng kanyang mga anak
hangad ang magandang kinabukasang
tinatamasa ng lahat
ano nga ba’ng saysay ng pugad lawin
kung ang madla’y aba’t mangmang
ang edsa ba ay may ibig sabihin
sa mga tiyang k-makalam
minsa’y isang bansang nagbayanihan
upang iahon ang munting dampa
subali’t sa halip na kabutihan
sa tiwali’t digma muling nasalanta
ako’y nakikiusap sa may kaya
sa abot ng inyong kakayanan
ipalaganap ang hustisya
at kalingahin ang sambayanan
minsa’y isang bansa ang nagsisikap
na samantalahin ang panahon
minsa’y isang bansa ang nangangarap
na sana’y mahalin mo na ngayon
Random Lyrics
- night in gales - down the throat lyrics
- can - bel air lyrics
- jerry butler - if you let me lyrics
- can - mother sky lyrics
- boy george - losing control lyrics
- paddy casey - self servin' society (acoustic version) lyrics
- lauryn hill - interlude 3 lyrics
- converge - empty on the inside lyrics
- matt monro - alguien canto (the music played) lyrics
- shy - under fire lyrics