
gary granada - tagumpay nating lahat lyrics
[verse 1]
ako’y anak ng lupang hinirang
kung saan matatagpuan
ang timyas ng perlas ng silangan
nagniningning sa buong kapuluan
[verse 2]
taglay ko ang hiwaga ng silangan
at saan mang bayan o lungsod
maging timog, hilaga o kanluran
ang pilipino ay namumukod
[chorus]
sama+sama nating abutin (sama+sama nating abutin)
pinakamatayog na bituin
at ang aking tagumpay
tagumpay ng aking lahi
tagumpay ng aking lipi
ang tanging minimithi at hinahangad
hangad ko’y tagumpay nating lahat
[verse 3]
ako’y may isang munting pangarap
sa ating dakilang lupain
at sa sama+sama nating pagsisikap
sama+sama ring mararating
[verse 4]
ang iba’t ibang galaw (iba’t ibang galaw)
iisang patutunguhan
dito isang araw
isang kapuluan
[chorus]
sama+sama nating abutin
pinakamatayog na bituin
at ang aking tagumpay
tagumpay ng aking lahi
tagumpay ng aking lipi
ang tanging minimithi at hinahangad (minimithi at hinahangad)
hangad ko’y tagumpay nating lahat (tagumpay nating lahat)
hangad ko’y tagumpay nating lahat
Random Lyrics
- shizii - liar lyrics
- oshen (usa) - monkeys in belgrade lyrics
- suki goth - victorian phantom lyrics
- oshen (usa) - calm rain lyrics
- markus brandt (dnk) - ansigt lyrics
- ryan vera - on the rocks lyrics
- sam macpherson - brace for impact lyrics
- skor - pętle lyrics
- mieze katz & tarik tesfu - zorn & liebe lyrics
- juicynise & lonzo - perdiendo el control lyrics