azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

gem largo - langit lyrics

Loading...

[verse 1]
ibang+iba, pakiramdam
mula nung makilala ka
ang buhay ko’y nagsimula
hindi alam kung paano ba?
mabibigyang kahulugan
ang aking nararamdaman

[pre+chorus]
sa oras na ika’y andiyan
andiyan sa aking harapan
hahanapin ko
ang lakas+loob kong nawala
wala lang ba sa’yo lahat
lahat ay ‘di pa ba sapat
sapat ba ang pagmamahal
kung sasabihin ko

[chorus]
na ang langit sa iyo ay nakamit
sa bawat sandali na tayo ay magkapiling
at palaging ika’y sasambahin
lihim na pagtingin
sana’y madama mo rin

[verse 2]
namamangha (namamangha)
pa rin sa kagandahan mo
kahit na magkalayo
ikaw ang nasa isip ko
nasasabik (nasasabik)
na makita kang muli
hindi ko na matitiis
nabalot na ng ‘yong tamis
[pre+chorus]
sa oras na ika’y andiyan
andiyan sa aking harapan
hahanapin ko ang rason
sa aking pagsinta
sinta, ika’y kakaiba
ibang bugso’y naramdaman
nilalaman ng puso ko’y sa’yo ibibigay

[chorus]
galing langit sa iyo makakamit
sa bawat sandali na tayo ay magkapiling
at palaging ika’y sasambahin
lihim na pagtingin
o sana’y madama mo rin

[interlude]

[chorus]
at ang langit sa iyo ay nakamit
sa bawat sandali na tayo ay magkapiling
at palaging ika’y sasambahin
lihim na pagtingin
ngayon ay nadama na rin



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...