
genzix - 4 na minuto lyrics
[verse 1: leo, revi]
hindi ako makakausad
hanggat ‘di ka nakakausap
kaya ngayo’y nakikiusap
pakinggan ang mga naipong pangungusap
mga tanong na nagkapatong+patong
gaya ng “paanong dito tayo humantong?”
‘di naman kailangan ng sagot
nais ko lang maipaabot na
[pre+chorus: kris]
sigurado
na sa pagsarado
ng ating pinto
ang kampay ng kamay ng relo
pakinggan mo bago pa huminto
[chorus: kiyo, jayu]
bigyan mo lang ako ng apat na minuto
hindi hihirit ng labis na segundo
lahat ay ibubulalas ko sa’yo
ngayon ako’y pakinggan mo
hiling ko lang sayo ay apat na minuto
para sabihing dahil sayo’y natuto
pangakong ‘di na manggugulo
pagkatapos nito ang kailangan ko lang sa’yo ay apat na minuto
[verse 2: aki, kiyo, kris]
marami rin naman akong pagkakamali
hindi tumutugma sa’yo ang aking ugali
ilang pangako na ang ako rin ang bumali
hindi rin naman ako perpekto
kaya patawad kung bumitaw sa’yong palad
aaminin na isa ring nakaapekto
nanliit ‘pagkat ‘di maibigay sa’yo ang dapat
[pre+chorus: jayu]
sigurado
na sa pagsarado
ng ating libro
para matapos na ang ganitong gulo
pumapayag na putulin mo ang ating kuwento
[chorus: revi, kiyo]
bigyan mo lang ako ng apat na minuto
hindi hihirit ng labis na segundo
lahat ay ibubulalas ko sa’yo
ngayon ako’y pakinggan mo
hiling ko lang sayo ay apat na minuto
para sabihing dahil sayo’y natuto
pangakong ‘di na manggugulo
pagkatapos nito ang kailangan ko lang sa’yo ay apat na minuto
[bridge: leo, aki, jayu, revi]
sumobra na ang aking pagkukulang
natakot rin naman akong maging matapang
‘di na kita pipiliting magtapat
kung may oras ba na sakin ‘di naging tapat
hahayaan na kitang humayo
mas liligaya ka kung walang tayo
pero
[chorus: kris, kiyo, revi, all]
bigyan mo pa ako ng ilang segundo
hindi hihirit ng labis na minuto
lahat ay ibubulalas ko sa’yo
hiling ko sa’yo ay apat na minuto
salamat dahil sa’yo ako’y natuto
pangakong ‘di na manggugulo
pagkatapos nito ang kailangan ko lang sa’yo ay apat na minuto
aah+aah+apat na minuto
aah+aah+apat na minuto
[outro: jayu, all]
hanggang dito na lang (aah+aah+apat na minuto)
tatapusin ko na ang aking (aah+aah+aah)
apat na minuto
Random Lyrics
- woona (우나) - 나의 초록색을 전부 줄게! (all my green for you!) lyrics
- kickflip (킥플립) - 악몽을 꿨던 건 비밀이지만 (secret nightmare) lyrics
- kaytranada - space invader (sbtrkt remix) lyrics
- kenemyyy - ddos suplier lyrics
- rage - freedom lyrics
- jordan astra - questions lyrics
- running standard - give me happy lyrics
- léo & raphael - subir no palco lyrics
- subrosa union - magical thinking lyrics
- xd3cay - it's all okay lyrics