azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

gloc-9 - alam mo na lyrics

Loading...

anong pwede kong sabihin?
sa dami ng gusto ‘kong patigilin
nag+aabang na matalisod ’di kayang pigilin
mga itinanim, gustong makatikim
kahit hindi naman sila ang nagpakaitim

kung ‘di mo diniin tumabi+tabi ka rin
mahirap humanap kaibigang ‘di ka tataluhin
sa lugar na ang sayo ay gusto rin nila
kung tanghali kang gumising ay pumila ka

hindi sapat ang magaling dapat handa ka rin
na matulog ng dilat ang mata sa dilim
dahil ang pahinga’y para lang sa mga talunan
mga nauuna lamang ang gustong maabutan

mga nasa huli, inggit ay binalutan
mahahaba na kuko ikaw ay gagalusan
ng regalo para ba makaakbay sayo
aapiran ka kunwari magkasabay kayo

masahol pa sa babaeng nagpabili ng madaming regalong mamahalin kahit di naman kayo
kaya halika na sa byahe, huwag ka nang umarte
heto na ang guro mo, sige upo sa klase

lagi kang tingala pero paatras ang diskarte
matutong yumuko sa lupa para umabante
di ‘to tulad ng dati, laging hindi kasali
sahod ay di na bale, ang konti ay dumami
batikang medyo dyahe, may paninda palagi
hindi nauubusan tubo na walang lyabe
pag k+mamada pantay ang salang walang sablay
parang pamadang pinalitada at sinuklay
pasok ang bara ‘di sumasala tuwing uunday
palaging kara itong kartada walang humpay

walang humpay na parang trapik dito sa ‘pinas
kailan magiging isang hugas lamang ang bigas
punong hitik na iilan lang ang pumipitas
at ganon talaga ang laging sagot na likas

parang papaya wag kang madaya ang magparaya
syang dapat na hinog at laging pinapaubaya
sa may kailangan at naharangan ay makalaya
marami na ang syang namatay sa maling akala

kaya bago ko pa tapusin ang tulang ito
hayaan munang kayong lahat ay awitan ko
ng isang tono na no’ng napanaginipan ko
pinilit ko na matandaan at masulat ‘to

diba ikaw yung makata na k+makamada
iba’t ibang letra na ibinebenta
kasi dito samin walang mumurahin
para may makain kailangang hasain

nakilala ka na, gusto mo ano pa?
ingat kasi baka bigla kang madapa
may mga nauna bakas ng mga paa
gamitin ang ‘yong mata para alam mo na
heto na’ng mekaniko
teka, ano’ng problema ilabas mo na ang pyesa
magkanong bayad sige ilapag mo sa mesa
bawal ang maarte para kang tumanggi sa—
tanggapin mo na kesa—

nakilala ka na, gusto mo ano pa?
ingat kasi baka bigla kang madapa
may mga nauna bakas ng mga paa
gamitin ang ‘yong mata para alam mo na



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...