azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

gloc-9 - alimpungatan lyrics

Loading...

[intro]
ayaw ko nang gumising pa

[chorus]
῾di mo alam
kung ga’no ako kasaya ng+yon
kung alam mo lang
ikaw ang langit ko magmula noon
dito na lang
ika’y pupuntahan sa’n man naroon
dahil ito lang
ang pangarap ko na natupad (ng+yon)

[verse 1]
maliwanag ang sikat ng araw
kulay asul ang langit
sino ma’y walang makakaagaw
iyong mga kamay ang kapit

kahit ulanin man o umaraw
kapag malayo ay lalapit
dibdib ko’y nag+uumapaw
kayakap ka, ‘yan ang sagot sa bakit
pero

[chorus]
hindi mo alam
kung ga’no ako kasaya ng+yon
kung alam mo lang
ikaw ang langit ko magmula noon
dito na lang
ika’y pupuntahan sa’n man naroon
dahil ito lang
ang pangarap ko na natupad
[refrain]
ayaw ko nang gumising pa
pagkat ng+yo’y kapiling ka
ayaw ko nang gumising pa
kapag ika’y kayakap na

[rap verse]
dampi ng ‘yong balat, init tuwing nasa ‘king tabi
madilim ma’y maaaninag mo ang aking ngiti
halakhak ng tibok ng puso kong nakakabingi
kalig+yahang dala mo na hindi nabibili
bukal ng labi mo lamang ang tanging makakapukaw
kahit magunaw, natutunaw, lumulusaw ng uhaw
ang halimuyak ng bulaklak mo, kahit walang pabango
hinahanap+hanap ko pagka lasing sa alak mo
kung alam mo lang ang siyang nararamdaman ko
kapag ako’y tinititigan nitong mga mata mo
walang lugar ang gustong puntahan, sa piling mo lamang
malayo man o malapit, kahit ano pang iharang
lahat ay kakayanin, bubuhatin sakin iatang
ikaw ang ikinakatakot at hugutan ng tapang
sa mga bisig ko ay iingatan, dito ka lang
kahit ano pang bumangga, harap man o paharang
mahulog man sa bangin ang kotseng sinasakyan natin
galing banaue, hinahawi, dumagan na buhangin
hindi ako mumulat, ilang beses man na tawagin
῾di bibitawan ang pangako na sinumpaan natin
ako lamang mag+isa naisalba, walang iba
bakit pa? iiwan ka rin naman pala nila
ayaw ko nang gumising pa, alam ko na wala ka na
ayaw ko nang gumising pa sa katotohanan na–



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...