azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

gloc-9 - hindi pa tapos lyrics

Loading...

[chorus 1: denise barbacena]
di uusad kung lakad ay paatras
nakakandado ang dapat na bukas
b-mangon, at nang maunawaan mo
kung ano ang siyang ipinaglaban ko

[verse 1: gloc-9]
habang panahon na lang ba tayo magtuturuan
at sa malambot na higaan ay maguunahan
sigawan at sumabatan ng anumang kakulangan
bago pa mapunta sa iba, teka ako naman
sino bang may kasalanan at madumi ang mukha
kahit busog na sa palay, nakabaon ang tuka
paano maniniwala kung palaging sagot ay baka
wala namang tumutugma, pero tula ng tula
kaya minsan ba’y naisip ko na ang noon
ay katulad din ng mga kinakaharap ng-yon
huwag magtaka kung bakit lumalabo ang tubig sa balon
dahil hanggang ng-yon ay ‘di pa tapos ang rebolusyon

[chorus 2: denise barbacena]
di uusad kung lakad ay paatras
nakakandado ang dapat na bukas
b-mangon, panindigan mo ang tugon
dahil ‘di pa tapos ang rebolusyon

[verse 2: gloc-9]
ang nais ko rin naman ay mapayapang paraan
ngunit kailangang sumalag kapag ika’y inundayan
ng patalim sa dilim, nagkalat na sakim
mga maliliit lamang ang nadidiin
ipinasa ang itak na ginagamit sa digmaan
para sa akin ang matapang ay ang siyang nangibang bayan
ang taga-ani’y mga bagong bayani na tugon
sa hindi matapos at paulit-ulit na tanong
kaibigan, minsan ba’y naisip mo na ang noon
ay katulad din ng mga kinakaharap ng-yon?
huwag magtaka kung bakit lumalabo ang tubig sa balon
dahil hanggang ng-yon ay ‘di pa tapos ang rebolusyon

[chorus 1: denise barbacena]
di uusad kung lakad ay paatras
nakakandado ang dapat na bukas
b-mangon, at nang maunawaan mo
kung ano ang siyang ipinaglaban ko

[verse 3: gloc-9]
di ako nagkaroon ng pagkakataon na makapagpakilala
simula noon ang tawag nila sa akin ay ang pasimuno
habang ang nais ko lamang naman ay mamuno
at ituro ang daan, katulad niyo rin naman
akong itinulak sa burak pagkatapos pagbintangan
ng mga taong aking itinuring na kapatid
gamit na kutsilyo, lubid na hawak ay pinatid
lahat ay kailangang lumaban kapag inaapi na
kahit dumanak ang dugo at ang puti’y maging pula
matapos ang lahat ng isinulat at sinabi nila
kung sino ako talaga ay kilala mo ba?

[bridge: denise barbacena]
lupang tinatapakan mo, bakas na nilakaran ko
dusang binabalikat mo ay ang siyang binuhat ko
lupang tinatapakan mo, bakas na nilakaran ko
dusang binabalikat mo ay ang siyang binuhat ko

[chorus 1 & 2: denise barbacena]
di uusad kung lakad ay paatras
nakakandado ang dapat na bukas
b-mangon, at nang maunawaan mo
kung ano ang siyang ipinaglaban ko
di uusad kung lakad ay paatras
nakakandado ang dapat na bukas
b-mangon, panindigan mo ang tugon
dahil ‘di pa tapos ang rebolusyon



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...