gloc-9 - kb lyrics
[intro, spoken: gloc+9]
hayaan n’yong ipakilala kong muli sa inyo:
karl banayad, tagapaglatag at tagapatag
narito muli ang inyong lingkod, gloc+9
let’s go!
one time
[chorus: gloc+9]
mga yapak ko na nakadiin sa lupa
(no’ng uso ang tamad kami ang nagsipag)
itinatak ko na kahit kulang sa tinta
(kita ‘yan sa mga palad namin na puno ng libag)
iniyak ko na, tuyo na ang mga luha
(bawal ang maarte, bawal ang sakim)
nang matiyak ko na aking makukuha
(sinabi ko sa’yo dati, ako’y ikaw rin)
[verse 1: gloc+9]
banat nang banat, ikalat, ‘di magpapaawat
bayad nang bayad, sumayad hanggang magkalamat
lakad nang lakad, natanas, nawala na’ng balat
sa paa ko malayo, paspas man o banayad
‘di kasali ang manibela hanggang estrella
nakasabit, nagalit kundoktor, kulang ang pera
upang makauwi, nangutang ako sa’yo ‘di ba?
sabay takbo, iwan ako, sanay sa etsapwera
[refrain]
ganyan noon ang laging inaabot ko
ng+yon ay nag+iba noong naabot ko
tala na sabay natin na ginugusto
sila’y naghilata habang binuhos ko
[pre+chorus]
k+mukulo sa init, ‘di alintana ang pasò
handa sa pagsusulit, laging maagang pumasok
namanhid na ang batok sa lahat ng mga dagok
kami ang nag+igib kaya kami din ang sasalok
[chorus: gloc+9]
mga yapak ko na nakadiin sa lupa
(no’ng uso ang tamad kami ang nagsipag)
itinatak ko na kahit kulang sa tinta
(kita ‘yan sa mga palad namin na puno ng libag)
iniyak ko na, tuyo na ang mga luha
(bawal ang maarte, bawal ang sakim)
nang matiyak ko na aking makukuha
(sinabi ko sa’yo dati, ako’y ikaw rin)
[verse 2: karl banayad]
‘di ko akalain na aabot ako dito
makasama ko ang aking paborito na makata sa pinas
parang kausap ko na din si kuya kiko
grabe yung ngiti ko, abot+langit, walang biro
dapat laging magaling, kahit wala sa mukha
kada dakdak madiin, hindi mabuta+butata
natupad ang kalahati sa pangarap ko bigla
na dala+dala lang ay isang malalim na tula
kung nabubuhay lang si nanay, malamang isa sya sa pi—
—nakamagandang babaeng may matamis na ngiti
sa dami kong natanggap na papuri ay hindi
k+mapal ang apog ng makahiyang nakatuping
nakatanim sa’ming lugar na may bungang matinik
tigas ng ulo sa pangarap lang ginamit ‘yung kulit
na parang bagong gupit, kada sulat masakit
palaging malupit na parang naka+tribal na damit
[gloc+9]
‘pag sa amin dumikit
[chorus: gloc+9]
mga yapak ko na nakadiin sa lupa
(no’ng uso ang tamad kami ang nagsipag)
itinatak ko na kahit kulang sa tinta
(kita ‘yan sa mga palad namin na puno ng libag)
iniyak ko na, tuyo na ang mga luha
(bawal ang maarte, bawal ang sakim)
nang matiyak ko na aking makukuha
(sinabi ko sa’yo dati, ako’y ikaw rin)
Random Lyrics
- stellaluna (usa) - i ignite lyrics
- foster - do that thing lyrics
- th1rt33n gh0sts - th1rt33n gh0sts lyrics
- dance express - groovin' on the dance floor lyrics
- artel - jeune lyrics
- the takes - still water lyrics
- will hyde & billianne - heaven. lyrics
- la favi - 18 lyrics
- kylie minogue - can’t get you out of my head (live from money can’t buy) lyrics
- coma beach - passion (original version) lyrics