gloc-9 - kung tama siya lyrics
[chorus: jac dionisio]
lahat ay ginawa ko
lahat ay tinaya ko
para sa bayan ko
pero teka, paano kung tama siya?
ano ang napala ko
pati buhay tinaya ko
para sa bayan ko
pero teka, paano kung tama siya?
[verse 1: gloc 9]
tinta at panulat ang ginamit
sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit
nag-aral nang matuwid parang sangi-saking anit
‘sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit
ng amoy nung ako’y magpasyang ituloy
ang pagsulat ng talata na magsisilbing apoy
sa bawat isang pinoy na lubog sa k-munoy
ng dayuhan ang mga balot sa k-mot na tisoy
kahit na sabi nila na ako’y hindi pumapalag
ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag
bakit kailangang magpatayan ng maghapo’t magdamag
kung sa kalaban mo’y bato at ang sandata mo’y libag?
makalipas ang isang daang taon at limampu
ano ang aking namasdan, ano ang aking natanto?
para bang ang panahon mula noon ay huminto
sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto?
ito ba talagang gusto kong kahinatnan
tandaan mo ang laman ng isang kasabihan:
aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
kung bukas sila naman ang siyang maghahari-harian?
[chorus: jac dionisio]
lahat ay ginawa ko
lahat ay tinaya ko
para sa bayan ko
pero teka, paano kung tama siya?
ano ang napala ko
pati buhay tinaya ko
para sa bayan ko
pero teka, paano kung tama siya?
[gloc 9]
ito ang sa tingin ko’y tama, at ang siya’y nararapat
pero teka lang…
[jac dionisio]
paano kung tama siya?
[gloc 9]
sa kanila’y huwag kang maawa, yan lang ang siya’y nararapat
pero teka lang…
[jac dionisio]
paano kung tama siya?
[verse 2: gloc 9]
ako’y isang batang tondo na anak ng mananahi
at sa edad ng katorse’y mga braso’y natali
‘di man natapos sa eskwela, nagpatuloy magbasa
nakadampot ng karunungan at namulat ang mata
na ang nagaganap sa ‘king kapaligiran ay mali
at ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi
silang alipin ng ginto at amoy ng salapi
mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati
abuso at kalupitan, hindi mo dapat pagtakpan
kung hindi ka lumaban, wala kang dapat pagtakhan
ayaw nilang magparaya, may humaharang sa daan
wala nang pakiusapan, ‘di mo subukang tadyakan
dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina
subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila
ibinuwis aming buhay, natunaw ang kandila
at nagbago ang itsura ng tinaas na bandila
ito ba talaga ang gusto kong kahinatnan
kung iisipin ang laman ng isang kasabihan:
aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
kung bukas sila naman ang siyang maghahari-harian?
[chorus: jac dionisio]
lahat ay ginawa ko
lahat ay tinaya ko
para sa bayan ko
pero teka, paano kung tama siya?
ano ang napala ko
pati buhay tinaya ko
para sa bayan ko
pero teka, paano kung tama siya?
[gloc 9]
ito ang sa tingin ko’y tama, at ang siya’y nararapat
pero teka lang…
[jac dionisio]
paano kung tama siya?
[gloc 9]
sa kanila’y huwag kang maawa, yan lang ang siya’y nararapat
pero teka lang…
[jac dionisio]
paano kung tama siya?
Random Lyrics
- dracovii - water lyrics
- swavay - quicktrip lyrics
- tayofromohio - i am not insane lyrics
- hombres g - resbalar entre tus dedos lyrics
- jay foreman - we are the 0.01% lyrics
- lips, kimbra - silent treatment lyrics
- john - loverboy lyrics
- sade - no ordinary love (live 2011) lyrics
- c4bal - sem drama lyrics
- rimas & melodias - vivência lyrics