azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

gloc-9 - naspi lyrics

Loading...

[chorus: gloc+9]
madami ang ‘di madali dito sa amin (dito sa amin)
ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin)
sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin)
malalaman mo na ‘pag napadaan ka
daang daang kabang tanso
pasang walang laang hinto
hakbang, hadlang, sarang pinto
malalaman mo na ‘pag napadaan ka
halika

[verse 1: g+clown]
sa lupain, kung san ba tinubuan ng husay, gumaling
nakipag+balagbagan ng sung+y, tumalim
nilagyan ng kulay ang mga tula’t hinaing
kaya mulat dumating
salamat kay nanay, gumana ang pakay
mga umalalay, humanap ng palay
(kaya ako naririto)
buhay na inalay, inaral, nag+sanay
umasa na sana’y pangarap maakay
(ipinangakong ‘di uuwing bigo)
hindi k+maliwa
nakaipon ng tubig kahit na butas na ang timba
mga luha’t pawis na ni minsa’y ‘di ko ininda
lukot na papel, panulat na naubos ang tinta
panahon ang nagdikta
tubong tanay, na kung san+san napadako
patuloy sumasabay, kahit sa luma o bago
ako yung panday na pandayo, sakay ng kabayo
‘pag nag+sunog ng kilay, ‘di mo pagkakamalang tao
estudyanteng pumapasok kahit na sarado (sarado)
malinaw ang mata kahit na ang taas ng grado (grado)
payaso ang plaka, pero ‘pag nag+ayos, plakado (plakado)
kilalang kwela sa eskwela, pero laging eskwalado (eskwalado)
ganado palagi, madapa o magapi
matalo, masawi, ano man ang kapalit
handa ‘kong magbawi, babangon pabalik
ano mang dagok, ‘pag tinaya mo pati pato, madali
daan ay tila nag+yelo
dumulas man ang sasakyang minamaneho
hinding+hindi magpepreno
dibdib hindi na dinaga nung mahainan ng keso
ako ay susugal hanggang magapi ang bangkero
tayo ay hindi pareho
kung nakabase ka sa malakihan na premyo, salaping nakaselyo
sa’kin ang pinaka+sentro, siyento porsiyento
ako ay nakatodo palagi hanggang maging bida sa kwento
[chorus: gloc+9]
madami ang ‘di madali dito sa amin (dito sa amin)
ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin)
sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin)
malalaman mo na ‘pag napadaan ka
daang daang kabang tanso
pasang walang laang hinto
hakbang, hadlang, sarang pinto
malalaman mo na ‘pag napadaan ka
halika

[verse 2: ramdiss]
dito sa eskinita na madilim
bakas sa balat ng tao ang kalag+yang malagim
patunay, itim na kulay, lumalabong paningin
sa gutom ay magdidilim kapag lumaktaw ka ng hanapbuhay
isang kahig, isang tuka
kakain ‘pag tumabo, ‘pag na+blanko, tulala
balewala ang mga trabaho, mahirap man, kinakaya pa lalo
kapag wala kang mailag+y sa plato
panigurado, kalam ng sikmura makakabangga mo
wala kang karapatan na mag+reklamo
kung ano lamang ang nakayanan, ‘yun lang ang laman ng bandehado
tandaan mo na kapag ipinanganak kang argabyado, antimano
kabilang talampakan mo’y nakaapak na sa kuta ng mga diyablo
obligado kang gawin
ang mga bag+y na ‘di mo naman gustong gawin
kapalit ng kapirasong salapi, buhay, pagod, oras, sandali
pati ang panahon mong nalalabi, masasaid
sa kakahanap mo ng pantawid
sa patintero ni kamatayan
tanging ka+duelo mo’y kalag+yan
balik sa pwesto kung mataya man
hanap ng tiyempo, sagad ang buwelo
hanggang makawala ka sa palad ng impiyerno
dito sa amin mahirap, pero laging kinakaya
bibihira ang mga nakahilata
araw+araw na gumagalaw, punong+puno ng pag+asa
na balang araw matamasa
ang buhay na masagana’t makahiga sa malambot na kama
basta’t kayumanggi ang balat
asahan mong buntot ay hindi bahag, nakangiting papalag
kilalang matibay at matatag
kaya kahit na ano pa ‘yan ay kakayanin lahat
walang+wala na, pero makikita mo pa din na tumatawa
salat man sa kayamanan, pero mayaman at masagana
sa pag+ibig at pagmamahal, at yun ang mga wala sa ibang bayan
na gustong bulabugin, angkinin, sakupin ang perlas ng silanganan
[chorus: gloc+9]
madami ang ‘di madali dito sa amin (dito sa amin)
ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin)
sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin)
malalaman mo na ‘pag napadaan ka
daang daang kabang tanso
pasang walang laang hinto
hakbang, hadlang, sarang pinto
malalaman mo na ‘pag napadaan ka
halika

[verse 3: hero]
klima na mainit, so hot (hot) hot (hot)
presyo ng bilihin goes up (up) up (up)
polusyon, luzon to mindana+a+ao
talaga namang ika’y mangang+yaw (yaw) yaw (yaw)
yun ay kung ‘di ka sanay (ka sanay)
dito sa pinas (sa pinas) bawal magreklamo (bawal)
kung ‘di ka madiskarte, lahat panabay (panabay)
bulag, pipi, pilay (pilay), bata o matanda
nagkalat at laman ng kalye (prrrt, kalye)
mga tindahan sa tabi+tabi
literal, tabi+tabi, pero magkakabati
mga linggwahe na iba+iba, oo, magkakaiba
pero sa pagmamahal, tiba+tiba, diba diba?
kakaiba kapag sinabing pinoy
bida bida sa paningin ng mga naa+annoy
hindi na namin kasalanan kung ‘di ka makajoin (ha ha ha)
pakara ba? o baka naman, natural na sa amin na
maging masaya+ah+ah
kita mo ‘yan sa aming mata+ah+ah
may pagmamahal sa ginagawa+ah+ah
bawal dito ang mahiya, mahiya+ah+ah
mapa+kanta, sayaw, rap, tula
pagkain, lugar, magaganda na tanawin
at higit sa lahat, ang mga bayani
tanging natira ay ang sugo ng rap, ako yon (hero!)
pumukol ng pumukol na parang sira+ulo (sira+ulo)
mayroong sariling pakulo kada baba ng pulo (baba ng pulo)
kahit na magkabukol kakasubok, magkasubukan man
ay asahan mong subok na ‘to hanggang sa dulo (hanggang sa dulo)
pinong+pino ang katas kapag may pilipino (pilipino)
malabong mapaatras ‘yan ng kung sino+sino (sino+sino)
‘pag usapan ay pinas, lahat ay imbitado
areglado, sigurado gigiba ang entablado
[chorus: gloc+9]
madami ang ‘di madali dito sa amin (dito sa amin)
ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin)
sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin)
malalaman mo na ‘pag napadaan ka
daang daang kabang tanso
pasang walang laang hinto
hakbang, hadlang, sarang pinto
malalaman mo na ‘pag napadaan ka
halika

[verse 4: arvy t]
sa mundong ‘pag masaya ka, ang pagod, ‘di alintana
may kalakip man na pighati at drama
may kalasag ng tinitingala o baluti ng tala
kaya kahit na anong pang+aapi, ‘di makakapinsala
sampung ulit nadapa, o higit pa yata
ngunit ‘di nadala, makulit na bata
hanggang nakakaramdam ng kalig+yahan
maglalaro nang paulit+ulit, tatakbo sa kalsada
hahabulin kung sino ako sa aking panaginip
matulin man o mailap, basta laging bibirit
ng hindi nagmamadali o hindi pinipilit
na parang isang motoristang hindi sumisingit
‘di mananaig ang galit kahit maaring mapatid
walang malaking balakid sa taong merong dambuhalang pangarap
sa taas lang ang kapit, minsan mangangawit
kung bibitaw ka’y alalahanin lang kung bakit ba humawak, yumakap
o unang lumakad sa daang tinahak
hinamak lahat, kasi nga pinaglaban mo
sa matigas mong bungo
tinarak yung banat na ikaw ay karapat+dapat
mga tinaga mo sa bato ay pag+hugutan mo
‘pag namamalat sa kalagitnaan ng pagtatanghal
ang mahal sa buhay ay nagsisilbi kong tubig
at taga+angat ng enerhiya, pag pinanghihinaan
kaya mas tumatagal sa napiling kong tungkulin
una pa lang, di na nag+dalaw+ng isip sa hinakbangan
nung tumagal, mas pinanindigan, parang pinakasalan
na minamahal na kasintahan, ‘di na pinakawalan
inalagaan, sinipagan, sinamahan ng dasal
ang pag+kapit ay mas lalo ko lang na hinigpitan
parang pakanan kong pinihit ang turnilyo
ideyang nag+uumapaw o laging puno na parang tubig sa timba
kapag laging nakabukas ang gripo, kasi nga

[chorus: gloc+9]
madami ang ‘di madali dito sa amin (dito sa amin)
ngalay na sa kakaabot ng alanganin (alanganin)
sanay man sa kakasilat ay madasalin (madasalin)
malalaman mo na ‘pag napadaan ka
daang daang kabang tanso
pasang walang laang hinto
hakbang, hadlang, sarang pinto
malalaman mo na ‘pag napadaan ka
halika



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...