
gracenote - malalang nilalang lyrics
ano na namang balita yan?
parang napulot lang sa kung saan saan
doble karang salita
na kusang lumalabas
sa nagbabagang bunganga
masalimuot mapanghusga
ang pagiisip na meron siya
halos di na makahinga
sa paninira ng iba
ang hindi niya alam nakamamatay
ang maling akala?
at di niya na alam may matalik
na kaibigan ang karma
malalang nilalang
wala na bang ibang alam
kundi magkwento ng mga kwento
sa kung kani+kanino
malalang nilalang
di ka ba naiilang
at ang mga taong mayg anyang pagkatao
nakakatakot pagkatiwalaan
ano na namang balita yan?
nakaantabay ang buong bayan
habang hinihintay sumablay
ang taong wala ka namang kinalaman
ganito pa rin ba hanggang ngayon
hilahan parang alimango
ba’t di niyo na lang ayusin ang iyong sarili
at di niyo ba alam nakakamamatay
ang maling akala?
at di niyo ba alam kung paano
maghiganti ang karma?
malalang nilalang
wala na bang ibang alam
kundi magimbento ng mga kwento
sa kung kani+kanino
malalang nilalang
di ka ba naiilang
at ang mga taong may ganyang pagkatao
nakakatakot pagkatiwalaan
sino ba ang malalala
ang nagkalat
o ang mga naniniwala
sa tulad niya na
ano nga bang mas masaklap
ang nagtalak
o ang mga nagtitiwala
sa tulad niya na
malalang nilalang
at wala silang pakialam
sa kung anong masira niyan
malalang nilalang
wala na bang ibang alam
kundi magimbento ng mga kwento
sa kung kani+kanino
malalang nilalang
hindi ka ba naiilang
at ang mga taong may ganyang pagkatao
nakakatakot pagkatiwalaan
Random Lyrics
- los látigos - aproximacion (boeing rmx) lyrics
- lollia - lovely lyrics
- ale canta male - vero leone lyrics
- liam st. john - if i were my father lyrics
- reinforcer - house of lies lyrics
- blunted vato, ecko & lolo og - blunted 7 lyrics
- michaelxmarquis - weighing on me lyrics
- lichterkinder - guck mal diese biene da summ summ lyrics
- rick charette - nonsense and silly talk lyrics
- stef lynn - ashes above lyrics