
ilaya - dyahe lyrics
[verse 1]
hindi ako
pwedeng makatulog ng ganito
ni wala akong masulat na kanta para sa’yo
paano ba
ilalahad ‘tong nararamdaman ko?
paano ba, paano na
hindi ako
pwedeng makatulog sa gabing ito
nalulungkot, nalilito sa mga emosyon ko
maliit na bagay ikinakagalit ko
paano ba, paano na
[chorus]
pero bakit ba kasi
nalimutan mong magsabi?
ako tuloy ngayon ang nadyadyahe
hindi ka pa naman okay
nataon ding ako’y hindi
paano na, paano na
[interlude]
[verse 2]
hindi naman
pwedeng pahabain ang gabing ito
gusto kitang
kausapin pero tinulugan mo ako
ano pa nga ba ang inaasahan ko?
ano pa nga ba ako sa’yo?
pwede bang ibalik ang pagkakamali mo?
nababalisa, umiikot ang paningin ko
naalala ng paulit+ulit kasalanan mo
ano na ang gagawin ko?
[chorus]
pero bakit ba kasi
nalimutan mong magsabi
ako tuloy ngayon ang nadyadyahe
hindi ka pa naman okay
nataon ding ako’y hindi
paano na, paano na
[instrumental]
[bridge]
buti ka pa, nakakatulog
buti ka pa, nakakaidlip
buti ka pa pero paano ako?
madaling+araw na
eyebags ko ay mulat na
pero wala pa ring “mahal kita”
[chorus]
oh bakit ba kasi nalimutan mong magsabi?
ako tuloy ngayon ang nadyadyahe
hindi ka pa naman okay
nataon ding ako’y hindi
paano na, paano na
pero bakit ba kasi nalimutan mong magsabi?
ako tuloy ngayon ang nadyadyahe
hindi ka pa naman okay
nataon ding ako’y hindi
paano na, paano na
[outro]
paano na, paano na
Random Lyrics
- dwta & justin (sb19) - sampung mga daliri (acoustic - solo version) lyrics
- los ollies - luces de neón lyrics
- nicola piovani & peppe servillo - al simbonèi lyrics
- fonxx - buscándote lyrics
- veezay - ain’t shit lyrics
- future of battlerap - 1.runde sizyphos & sh@wdy sh@f vs vyrus & freezy lyrics
- petr skoumal - pan šatra lyrics
- haley smalls - i thought i loved you lyrics
- nelly joy - love is everything lyrics
- nicowithadreambr - ploft! lyrics