
inang laya - sana'y mayaman lyrics
[verse 1]
tanong ng anak, “inay, mayaman ba tayo?”
sagot ng ina, “hindi, anak ko
‘di tayo mayaman, panay kayod sa trabaho
kahit na ganoon, mababa lang ang suweldo.”
[verse 2]
“bakit ba, anak? gusto mo bang yumaman?”
“opo, inay, para marami akong laruan.”
“ngunit, anak ko, ako muna’y pakinggan
sasabihin ko sa ‘yo ang aking dahilan.”
[verse 3]
sa ating mundo’y maraming lamangan
‘pagkat tao’y suwapang at gustong yumaman
‘di na bale ang ibang lunod sa kahirapan
basta’t makuha lang ang pansariling kabutihan
[verse 4]
kung ang tao’y sampu, at ang pera’y sampu lamang
at tig+i+tig+iisa ang mga mamamayan
sa ganitong sitwasyon, walang kahirapan
sa ganitong sitwasyon, wala ring mayaman
[verse 5]
ngunit kapag ang isa’y k+muha ng lima
anong maiiwan sa siyam na natira?
paghahati+hatian ang naiw+ng pera
ang siyam ay mahirap, iisa ang may+kaya
[verse 6]
anak kong giliw, ating pag+isipan
kung tama nga bang magkaroon ng mayaman
kung ang kayamana’y iba ang pagkukunan
ang hindi makakuha’y kawawa naman
[verse 7]
dapat sana dito sa ating bayan
pantay+pantay ang lahat ng mga mamamayan
walang naghihirap at palamon lamang
walang nagdurusa at walang naiisahan
[verse 8]
“ito’y panaginip na sana’y makamtan
musmos mong isip sana’y maintindihan.”
“opo, inay, ngayon ko lang nalaman
hindi na po ako maghahangad yumaman.”
[verse 9]
dapat sana dito sa ating bayan
pantay+pantay ang lahat ng mga mamamayan
walang naghahari at walang mayaman
walang naghihirap at walang kaapihan
Random Lyrics
- gabriel batista da silva - desafinado (part. silverson henrique) lyrics
- ckay - forever lyrics
- sarah jaqueline - misogyny lyrics
- beige - baby lyrics
- maasho - dodging lyrics
- lucy (루시) - with me (electrifying confession) lyrics
- the young gods - off the radar lyrics
- hank williams jr. - where would we be without yankees lyrics
- queens of the stone age - kalopsia (alive in the catacombs) lyrics
- fábjáni - the eighth lyrics