jarlo bâse - tabi gabi gabi lyrics
[verse 1]
sa aking tabi gabi+gabi
sa pagkahimbing ng iyong idlip
maglalaro ang daliri sa ‘yong noo
ang panaginip ay nasa harapan ko
[verse 2]
laging bitin na bitin sa tingin
at laging hiling ang ‘yong lambing
magtatagpo ang lig+ya’t pagkalungkot
sa tuwing aalis, ang kilay nakakunot, hm+mm
[chorus]
pakinggan mo, oh+oh+oh
pakinggan mo, oh+oh
ang bawat nota’t letra ng aking kinakantang
para sa ‘yo lamang, oh, kay gandang nilalang
[verse 3]
windang na windang na sa kaaabang
mahaplos at mayakap ka, aking tadyang
may diyos man o wala, ako’y maniniwala
paos man ay sigaw ang aking paglalathala
[verse 4]
teka, saglit, may kapalit ang mangulit
baka magalit sa paulit+ulit
nais lang mabingwit ang mabait at marikit
na tulad mong dapat sa aki’y ikabit
[chorus]
pakinggan mo, oh, oh+oh+oh
pakinggan mo, oh, oh+oh
ang bawat nota’t letra ng aking kinakantang
para sa ‘yo lamang, oh, kay gandang nilalang
[bridge]
at kahit malasin ang araw ko
basta’t sa gabi’y pauwi sa ‘yo
ang suwerte, ‘no? oh
ipangangalandakan sa mundo
na ang habang buhay ay totoo
kahit nilalang nila ang nag+iisang
pag+iibigang walang hahadlang
[chorus]
pakinggan mo, oh, oh+oh+oh
pakinggan mo, oh, oh+oh
ang bawat nota’t letra ng aking kinakantang
para sa ‘yo lamang, oh, kay gandang
pakinggan mo, oh, oh+oh+oh
pakinggan mo, oh, oh+oh
ang bawat nota’t letra ng aking kinakantang
para sa ‘yo lamang, oh, kay gandang nilalang
Random Lyrics
- the zenmenn - homage to a friendship lyrics
- hamulec - hałas lyrics
- ariadna (ua) - меланхоліки (melancholics) lyrics
- good deal - dirty plates lyrics
- go!go!7188 - うましかもの (umashi kamo no) lyrics
- alibi montana & lim - on les encules tous lyrics
- rapp gotti & bishop one - frankie bono lyrics
- kaestrings - rahama (live) lyrics
- netyskney - раб (slave) lyrics
- stephen pearcy - sky falling lyrics