joey ayala at ang bagong lumad - kung kaya mong isipin lyrics
[refrain]
kung kaya mong isipin, kaya mong gawin
isa+isang hakbang lamang at ika’y makakarating
tulad ng puno na galing sa binhi
ang mga dakilang gawa’y nagmumula sa guniguni
[verse 1]
kung ang nais mo’y maging malaya
sa mundong puno ng panunupil
buhayin sa sarili ang malayang paraan
at sa araw+araw na pakikitungo sa tahanan at lipunan
buhayin sa sarili ang malayang paraan
[refrain]
kung kaya mong isipin, kaya mong gawin
isa+isang hakbang lamang at ika’y makakarating
tulad ng puno na galing sa binhi
ang mga dakilang gawa’y nagmumula sa guniguni
[instrumental break]
[verse 2]
kung ang nais mo’y maging payapa
sa mundong puno ng digmaan
buhayin sa sarili ang payapang paraan
at sa araw+araw na pakikitungo sa tahanan at lipunan
buhayin sa sarili ang payapang paraan
[refrain]
kung kaya mong isipin, kaya mong gawin
isa+isang hakbang lamang at ika’y makakarating
tulad ng puno na galing sa binhi
ang mga dakilang gawa’y nagmumula sa guniguni
kung kaya mong isipin, kaya mong gawin
isa+isang hakbang lamang at ika’y makakarating
tulad ng puno na galing sa binhi
ang mga dakilang gawa’y nagmumula sa guniguni
ang mga dakilang gawa’y nagmumula sa guniguni
Random Lyrics
- 包涵 (boomham) - 幻想成瘾 (illusion addiction) lyrics
- carole bayer sager - one star shining lyrics
- le réparateur - à l’abattoir lyrics
- 4n way & jughead - титибой lyrics
- pandaraps - got my dad's nose lyrics
- men oppose - ano ang ginagawa mo? lyrics
- green day - maria (waiting single version) lyrics
- itsaedanhill - fuck it we ball lyrics
- fembоy & smegma - момо (momo) lyrics
- the shining angels - why can't i see? lyrics