azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

kolateral - boy lyrics

Loading...

“boy, ano, basketbol?”
“late-late mo, gabi na.”
“bakit? duwag ka?”

[berso 1]
sarap ng tulog ko, so peaceful
may sumipa sa pinto, may dala mga pistol
cops wanna pop us like your pimples
but your people [?]
kahit handang sumuko, pinutok agad
pagkatutok ‘yun ang utos ng pinuno
mga naka all-black, pati masks
pasensya na kung naka-olaps, nanghoholdap talaga
naglalakad na nagso-social media na tanga
pagka-like ng pic, tinutukan ko ng ice pick
napaihi sa mata, amin na relo mong init sa mata
sabi n’ya, “kuya, kakabili ko lang kanina.”
i don’t give a f-ck! akin na
“pamilya ko walang kakainin
kanin na inuulam sa asin.”
big-y mo na, bago kita sapakin
pagkapera, ‘lam ko na agad ang gagawin
doon sa ‘di mahangin, magpalakas t-tig na
okey, magttrip kakaiba kalas, buo ng mga makina
yung pader ng kapitbahay laging humaharang sa akin, ah
tulog na rin sila, pwede ‘tong wasakin na
siyempre pagkapasok, gamit nyo ay akin na
watch list at hit list, nasa isang pahina
nakahiga’t basa na sa pula
huli kong panaginip, ‘yun pala
one by one ko lang naiwan sa ina
one by one lang naiwan ko, tangina

[berso 2]
boy, boy, alam mo ba
usap-usapan sa ‘min
‘wag pakalat-kalat, baka damputin ka sa ilalim
mahirap na ‘pag napuwing ka
wag kang kakapa-kapa, baka mauling ka
‘kala mo lotto kung mamili ng p-n-lo
tumbang preso ang laro, ika’y pamato
sabi ko sa ‘yo ‘wag kang pakalat-kalat dyan
kasi ‘pag sinumbong ang kupal baka mapaglaruan, an
kapit sa patalim, galaw pailalim
umaasang maitawid ang gutom ko gabi-gabi
kayod kalabaw, ‘di baleng ako’y uhaw
sardinas laman ang plato kahit dami ng ampao ang naipon
madumi palad pero malinis paglikom
baka nagkamali ka lang, naku, hindi po
ako yung biglang natikom ang labi
nagising, katabi ko ginaw-ng hipon
bakit sa dami-dami, tanong ko lagi bakit
mag-ingat sa pagduro, ang nuno dilat palagi
bulubukutan ng hudas mga sabik humarit
tao yung pawis pero parang sila ‘yung nakagamit
narinig ko yung sirena, naku, andiyan na sila
nakasuot na ng asul pero may mantsa ng pula
‘di mo ba ako kilala? alyas iba nga pala
tinapon nga sa pasay pero sa impyerno dinala

[berso 3]
tanginang pulis, ano ang aking kasalanan?
‘wag nyo nga kong bino-boy, meron akong pangalan
bakit yung iba nagpakilala ng husto?
‘di man lang ginalang ang aking pagiging tao
alyas ba tanga ika daw nga inyong tawagin
dahil nakatungo at masama tumingin
edad kwarenta’y singko tulad ng iyong baril
kaya pinutok kasi ‘di agad nagpasiil
ano ba’ng hawak nyong pruweba laban sa’kin?
kung aking boses ang inyong pagsisinungaling
‘di naman malalaban, wala ‘kong patalim
bakit ba ang hilig nyo mantrip dyan sa madilim
ni magnakaw nga, ‘di ko kayang sikmurahin
sa tingin n’yo ba na kaya ko iyong gawin?
na malikmata, hindi mo na akalain
kasalanan na pala mapagkamalang adik
‘di ba tulak-tulak ang inyong tinitimbog?
porket sa lansangan lang lumaki at nahubog
bakit pinapatay, pwede naman na ikulong?
ang salot sa bayan, nasaan na ba’ng katarungan?
sa ng-yon ang hustisya ay nabibili
aking buhay sa inyo ko pa lilimusin
alipustahin, papaslangin n’yo lang ang taong bayan
‘di ba kayo binabayaran?

[berso 4]
boom, shakatak, tatlumpo ay nabatak
meron ba’ng natutumba ng mga kupal na parak?
sa may amin sa linggo, baka raw pagkalito
anikap, (what?) mukhang nakatutok sa akin ‘to
ani mo, ini mini mayni mo ang bira
mga may alyas na iisa, inisa-isa
basta ba’t matuluyan, tunay na nakalista
damay-damay na kahit pa walang matira
tira-tirang pagkain, sira-sirang tirahan
may takot pang tirahin ang mga siga-sigaan
gawa-gawa hidwaan, dagdag sa mga pasakit
tulak ng kahirapan, kaya napapagamit
bakit? trabahong atag sa’min kakayanin ba
ng puyat, gutom na katawan upang mainda?
hindi naman sa pagpapalusot
kabuhayan na, patayan na, patayan ba sagot?
kamalian ba’y maitatama ng kamalian?
mga mamamatay-adik, adik sa kapangyarihan
bullet sa listahan, cash sa sobre
timbangan ng batas nawawala na sa korte
wala ng posas-posas, dapat ka bang matodas?
namamasada lang naman ng bentekwatro oras
sobra na sila, kailangan ng mag-isa
balutan ang mag-anak, malayo sa pangamba



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...