azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

kz tandingan – dapithapon lyrics

Loading...

bakit ang buhay ay mayroong hangganan
kahit pilitin mang pigilan may katapusan
nais sana malaman kung bakit at saan
ako dadalhin ng hangin ang sagot
hindi ko alam

magagandang pangyayari
sa aking buhay ay naaalala
tawa na masaya sa aking diwa
ay sariwa ba

pagmamahal ko sa’yo
hinding-hindi ko malilimutan
pagmamahal ko sa’yo
hinding-hindi magwawakas dito sa mundo
ikaw lang ang tanging nakaukit sa isip ko
ang iyong mumunting tinig na
hindi mo mapapawi sa aking pandinig

la la la la la la la la
la la la la la la la la
la la la la la la la la
la la la la la la la la

pasasaan pa’t pagdating ng araw na tayo’y magkakawalay
huwag kang mag-alala o aking mahal
sapagkat baon ko ang iyong pagmamahal
ating masasayang pinagsamahan
kasama sa landas na pupuntahan
lungkot ‘t luha pansamatalang mawawala
sapagkat ika’y muling makikita

pagmamahal ko sa’yo
hinding-hindi ko malilimutan
pagmamahal ko sa’yo
hinding-hindi magwawakas dito sa mundo
ikaw lang ang tanging nakaukit sa isip ko
ang iyong mumunting tinig na
hindi mo mapapawi sa aking pandinig

la la la la la la la la
la la la la la la la la
la la la la la la la la
la la la la la la la la

pagmamahal ko sa’yo
hinding-hindi ko malilimutan
pagmamahal ko sa’yo
hinding-hindi magwawakas dito sa mundo
ikaw lang ang tanging nakaukit sa isip ko
ang iyong mumunting tinig na
hindi mo mapapawi sa aking pandinig

ikaw ang pag-ibig



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...