
lenin (ph) - dito lang lyrics
dito lang
bilangin natin nang maigi kung ilan
ang kataw+ng nakahandusay sa paligid
masasagot ng pipi ang lahat ng katanungan
na bumabagabag sa mga bulag na nakasilip
pintado sa pinto ng mga bahay
ang dugo ng mga taong di kinaya ang malayang pag+iisip
at mga bata ang nakaantabay
sa programang nagtuturo ng digmaan at pagkitil sa pag+ibig
halina kaibigan, mamasyal sa kabukiran
masdan ang mga nasirang pangarap at panaginip
mga tauhan na sumisigaw ng katarungan
nabulunang tuluyan, habang buhay nang nanahimik
kalaban ng simbaha’y mga santo sa gobyerno
na pumapaslang ng hayop na hindi nila mapilit
kung pwede lang bumyahe ng diretso sa impyerno
ito na ang una at huling reserba ko ng ticket
kahit nasaan ka man
kahit nasa tiyan pa lang
ang mga parusa ay hindi matatakasan
kahit nasaan ka man
kahit sa katandaan
ang kasaganahan ay hindi mararanasan
balik+tanaw sa malalaking bahagi
mga maling galaw sa kasaysayan ng ugali
pandaigdigang gerang namulat sa dalamhati
pagsunog sa n0belang isinulat ng bayani
rebolusyon sa musika ni lennon at ni marley
pustahan sa pulitika, babangon ba ang hari
mensahe ni picasso, michelangelo, at dali
hinati sa piraso at naging anyo ni banksy
karahasang magpapatuloy hanggang bukas
mag+aabang na lamang ng abuloy sa panglunas
manghihinging limos mga kamay na walang hugas
singkwenta sentimos at sa bangkay na lang maghugas
basahin sa kwaderno kung paano ba mangdugas
maraming kapareho ang mantsa na walang kupas
kapag may nagtangkang tumakas sa labas ng butas
guguhit ang panata sa bawat katas ng ubas
kahit nasaan ka man
kahit nasa tiyan pa lang
ang mga parusa ay hindi matatakasan
kahit nasaan ka man
kahit sa katandaan
ang kasaganahan ay hindi mararanasan
dito lang
dito lang tayo
bilangin natin nang maigi kung ilan
ang kataw+ng nakahandusay sa paligid
masasagot ng pipi ang lahat ng katanungan
na bumabagabag sa mga bulag na nakasilip
Random Lyrics
- люблю лето (love summer) - пропасть (abyss) lyrics
- askalone - давай просто поговоримо (let's just talk) lyrics
- barrington levy - lonely man lyrics
- mint biscuit - healing better lyrics
- syncmania - a caverna e a luz lyrics
- dennehy - royal fantasy lyrics
- high school sweethearts - get used to it lyrics
- simon curtis - flesh (mnek ilikethetaste remix) lyrics
- shari (2) - zerschmetterling lyrics
- 閃靈 (chthonic) - supreme pain for the tyrant (english version) lyrics