azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

mani kontador - tt lyrics

Loading...

[chorus]
masarap maging lalake dahil sa kaakibat na pribilehiyo
pakinggan ang aking kwento pakinabangan ang iyong benepisyo

[verse]
ako ay pamilyado anak ay unico hijo
sa trabaho nakatagpo babaeng pasok sa aking tipo
agad syang pumatol sa aking panggogoyo
aw+ng+awa sa sinabi kong kami ni misis ay malabo

[pre+chorus]
nang magkahulihan ako pa nga itong ligtas sa sala
ika nga ng kasabihan natural lang sa lalake ang makipaglandian

[chorus]
masarap maging lalake dahil sa kaakibat na pribilehiyo
pakinggan ang aking kwento pakinabangan ang iyong benepisyo

[verse]
ako ay pamilyado at may tatlong barako
sa pamamahay ko ako ang masusunod
lahat ng gusto ko kay misis iuutos
bawal syang magreklamo kasi kargo ko ang gastos

[pre+chorus]
hindi nya ako kaya, ni hindi nya mabungangaan
natatanggap tuwing katapusan ang aking ginagamit para sya ay busalan
[chorus]
masarap maging lalake dahil sa kaakibat na pribilehiyo
pakinggan ang aking kwento pakinabangan ang iyong benepisyo

[verse]
pwede rin gawing saklay at magpanggap na marupok
pwede rin naman gawing sandata gamitin mong panakot
ang aking kasarian ay akin ding kapangyarihan
ang aking kasarian ay akin ding kapangyarihan

[chorus]
masarap maging lalake dahil sa kaakibat na pribilehiyo
pakinggan ang aking kwento pakinabangan ang iyong benepisyo

[chorus]
masarap maging lalake dahil sa kaakibat na pribilehiyo
pakinggan ang aking kwento pakinabangan ang iyong benepisyo



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...