mark logan - huling sandali lyrics
alb-m: xoxo candy
ako’y labis na humahanga sa iyo,
sa mga katangian na tinataglay mo,
ligaya lagi ang nararamdaman ko,
sa tuwing kasamang maglalakbay tayo.
bawat oras ika’y nasa aking isip,
na kahit kailan ‘di ka nawawaglit,
maging sa’king pagkakaidlip,
ikaw ang hinahanap ng puso’t isip.
‘di ko makakalimutan ang mga araw,
masayang oras na aki’y tinatanaw,
sabay tayo sa tubig nagtatampisaw,
na pilit ko paring inaabot-tanaw.
ngunit kailangan ko na bang tanggapin?
na malayo at mawalay sa’yong piling,
sa diyos-kapal na aking dasal’t hiling,
na makasama ka at aking angkinin.
nang malaman kong ika’y ibig lumayo,
‘di mo sinabi kung saan ka tutungo,
sa mga suliraning nais mong lumayo,
pabaon ang huling habilin ko sa’yo:
“”huwag kang lumisan upang ako’y iwan,
sa mundong ating kinatatayuan,
na puno nang dusa at kapighatian,
kaya ngayon ako’y lugmok sa karimlan””
Random Lyrics
- protest the hero - she who mars the skin of gods lyrics
- protest the hero - silent genocide lyrics
- protest the hero - soft targets dig softer graves lyrics
- protest the hero - spoils lyrics
- arsis - a feast for the liar's tongue lyrics
- protest the hero - these colours don't run lyrics
- arseniq33 - vicks lyrics
- arsis - carnal ways to recreate the heart lyrics
- protest the hero - untitled lyrics
- teddy thompson - in my arms lyrics