azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

miriam pantig - liham na kupas lyrics

Loading...

[intro]
ang lumang liham ay naninilaw
liham na handog sa iyo, mahal
lukot niya’y sumasaksi
sa luha’t mga ngiti
ng suyuang lumipas

[verse 1]
sa bilangguang ubod ng lamig
sulok ng kahon na sakdal dilim
tila siya’y umaasam
tila ba naghahangad
sa sintang nawala

[chorus]
liham ay nanlalamig (nanlalamig), nalulungkot (nalulungkot)
walang pumapansin
liham na minsan ding yamang inaangkin
naghihintay (naghihintay) hanguin mo (hanguin mo)
yakapin pang muli
liham na minsan mong (minsan mong) minahal

[verse 2]
liham na dati ay hinahagkan
at buong ingat na ihihimlay
ang ngayo’y umaasam
ang ngayo’y naghahangad
ng pansing nawala
[chorus]
liham ay nanlalamig (nanlalamig), nalulungkot (nalulungkot)
walang pumapansin
liham na minsan ding yamang inaangkin
naghihintay (naghihintay) hanguin mo (hanguin mo)
yakapin pang muli
liham na minsan mong (minsan mong) minahal

[instrumental break]

[bridge]
tila siya’y umaasam
tila ba naghahangad
minsan pang hanguin mo
minsan pang yakapin mo (kupas na liham)

[outro]
ang lumang liham ay naninilaw
liham na handog sa iyo, mahal
lukot niya’y sumasaksi
sa luha’t mga ngiti
ng suyuan
ng pagsintang lipas
liham na kupas



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...