azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

munimuni – banaag lyrics

Loading...

magmaliw man ang araw
magtago man ang mga ilaw
ako ay mananatili kailan pa man

dumilim man ang mga kalsada
mapundi man ang mga lampara
ako ay mananatili kailan pa man

ako ang banaag
banaag sa dulo ng lahat
ako ang banaag
banaag sa dulo ng lahat

tamarin man ang buwan
mga tala’y maglaho man
ako ay mananatili kailan pa man

kahit mabulag ka man
o ang mundo’y gumuho man
ako ay mananatili kailan pa man

ako ang banaag
banaag sa dulo ng lahat
ako ang banaag
banaag sa dulo ng lahat

sa’kin nagsimula
sa’kin rin babalik
sa araw na tayo’y maging isa
ako ay nasasabik
sapagkat ang mga kulay ng iyong buhay
ay ang sinag ko lamang na hinimay-himay

at sa dulo ng lahat
ako, iyong banaag
at ika’y magiging buo sa ilalim ng aking liwanag
liwanag
liwanag
liwanag

magmaliw man ang araw
magtago man ang mga ilaw
ako ay mananatili kailan pa man



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...