azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

munimuni – oras lyrics

Loading...

sa piling ng mga ulap na tila dagat
at talahib na tila batang makulit
ika’y napatanong sa sarili

hinahabol mo ba ang umaga
o ang umaga’ng humahabol sa’yo

oras, oras
patuloy lang, patuloy lang ang lahat
oras, oras
patuloy lang, patuloy lang ang lahat

sa ilalim ng karagatang ulap
may ilog na tahimik na dumadaloy
nasubukan niya na bang magtanong
may patutunguhan ba tayo
pwede bang itigil na muna ang pag-alon

oras, oras
patuloy lang, patuloy lang ang lahat
oras, oras
patuloy lang, patuloy lang ang lahat

ang daloy ng panahon
ang daloy ng panahon
ang ikot ng mundo
ang ikot ng mundo

wala sa iyong kamay
ang klima ng buhay
akyat-baba ng alon
sa pagdaloy ng panahon

oras, oras
patuloy lang, patuloy lang ang lahat
oras, oras
patuloy lang, patuloy lang ang lahat

ang daloy ng panahon
ang daloy ng panahon
ang ikot ng mundo
ang ikot ng mundo