nayubi - bunga'y ikaw lyrics
[verse 1]
bigla na lang na napadpad
sa isang lugar kung saan ako ay
wala ni isang kilala, tanging sarili ang dala
mag+isa’t tulala
[verse 2]
nagtataka sa pangyayari
inaalala ang mga bag+y na kanina ay narito lang
ngunit bigla+bigla na lang
naglahong parang bula
[chorus]
langit ay nagliwanag
mukha mo’y naaninag
pumikit, napaisip
ikaw ba’y panaginip?
[verse 3]
naglalakbay, naghahanap ng kasagutan
sa mga tanong na
bakit ako naririto sa tila kakaibang mundo
na ikaw lang ang kilala?
[verse 4]
bawat oras ay iniisip
posible nga bang nakatadhanang
ikaw ang siyang maging gabay
sa akin na walang malay na mistulang naliligaw
[chorus]
nagsilbi kang liwanag
ikaw lang ang aninag
pumikit, napaisip
hindi ka panaginip
[bridge]
ooh, ooh, ooh, ooh
ooh, ooh, ooh, ooh
ooh, ooh, ooh
[chorus]
nakaraa’y nilimot
kasalukuya’y dulot
sanhing ‘di maalala
na siyang ikaw ang bunga
[outro]
ooh, ooh, ooh
Random Lyrics
- дар (gift) (rus) - теряю контроль (i'm losing control) lyrics
- cdo_papi - bandit lyrics
- bruno darko - não seja um viciado lyrics
- tim hawkins - quit the choir lyrics
- dustero - bussin' lyrics
- march division - water lyrics
- platinum pied pipers - the look of love (ppp's don't go version) lyrics
- asen (chn) - love yourself lyrics
- archiveplugg! - грустно (sadly) lyrics
- maria alexa - i'm good lyrics