azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

oriang - adora lyrics

Loading...

verse 1
kahit sa pangatlong ikot, isa ang amoy ng rehas
amoy tibay at dugo ng pagpupumiglas
likas sa mga babaeng nabuhay sa pag+alpas
mula sa gabing hindi bawi, mga palad na matitigas

siyam ang puntod sa tapaz at calinog
siyam lang ang buwan sa kataw+ng umiinog
kahit sa tsimisan ng mga kapre’t maligno
ang ilog ay ilog, bukid man ay nahuhubog

chorus
alas+anuman y media
luha sa aspalto o sa punda
babae ang makapagsasabi
kung ilan at kung sino sila

verse 2
sa daan+libong panayam, walang bilang ng hadlang
walang bilang ng k+rs+l o ng patakdaan
tatlong pader sa apat na pu’t anim na taon ng laban
kahit siglo kapos sa lalim ng ugat ng sagupaan

siyam ang puntod sa tapaz at calinog
siyam lang ang buwan sa kataw+ng umiinog
kahit ilan pang marcos ang mabulok sa malacanang
ang ilog ay ilog sa araw o sa ulan
refrain
ano’ng hugis ng tulang kinaladkad sa lagim
ano’ng kulay ng teatrong malamig na gatilyo ang k+malabit
ano ang karaniw+ng babaeng
walang ipinaghihiganti

chorus
alas+anuman y media
luha sa aspalto o sa punda
babae ang makapagsasabi
kung ilan at kung sino sila

kahera o desaparecida
mula tabuk pababa ng jalaur mega
babae ang magsisindi ng kandila
sa barikada

outro
adora humihilab pinabaon mong mga salita
ngayo’y yapak namin sa siklab papunta
hinahon ang dala+dala
ipong asin sa labi at sa gunita



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...