
oriang - daisy lyrics
verse 1
isang libo’t apat na raang megawatt ang lalim ng
balong kontradiksyon ang laman
ano ba dapat ang ahunan
kundi santwaryo ng
batang lumalangoy sa hapon
baon lahat ng patak ng laguna
lunas sa dolor ni inang
na sa basa niyang akap ay magkakaginhawa
chorus
isang libong ikaw
isang libong nelia
isang libong nora ang mamumulaklak
sa paanan ng ping+as, ipamumukadkad sa labi ng mga razon ang umaahong sapak
quezon, laguna, rizal, bulacan, nueva ecija
verse 2
walang lupi sa mga talulot ng rebelyong nakakadena mula chico hanggang lumot
mga anak ng pakil na tumatandang kailangang depensahan ang sierra madre sa mga gahaman
panata nila ang nananatiling
hiwaga
chorus
isang libong ikaw
isang libong lita
isang libong armando ang mamumulaklak
sa paanan ng inumpog, ipamumukadkad sa labi ng mga razon ang umaahong sapak
outro
nuestra senora de los dolores de turumba
dalamhati ng bulubundukin ang iyong hinaharap
Random Lyrics
- paschalis - ω! μαρία (oh' maria) lyrics
- skufski - вдвоем lyrics
- aozame - hate lyrics
- g. twilight - relax (frankie goes to hollywood cover) lyrics
- rihanna - what’s my name? (erick right remix) lyrics
- seizi kimura - shooting the night lyrics
- miney mays & sqazz - сладкий дым (sweet smoke) lyrics
- dấu vân tay - giấc mơ của loài người lyrics
- benjicold - goner lyrics
- lonnie johnson - me and my crazy self lyrics