azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

oriang - zara lyrics

Loading...

verse 1
iba ang halik ng araw sa negros
mula bintana pa+hapag, umiinog
nananakal, nanggugutom, k+mukuha, k+mukuha
bagkus marunong lumikha, ng uhaw at ng balisa

pero ‘di araw ang may gawa ng bala
‘di lalagot ng buhay na hindi kanya
sa minsang ulan, kunsensya niya’y pabasa ng lupa
ang kalusugan ng kunsensya mo’y teritoryo ng iyong ina

refrain
ika+labing+pitong araw ng agosto
hinigop ng isang kasa ang hangin
sa tadyang ng eroreco
bumagsak ang dibdib

chorus
sigaw ng lupa
“zara
patak ng iyong dugo
tanggi naming pataba”
“zara
daloy ng iyong dugo
tanggi naming pabasa”
verse 2
may lihim na biyaya ang mga ina
na mapalawak pa ang kanilang yakap
higit sa anak, nakakulot ang mga daliri sa masa
biyayang tinatratong sumpa ng hacienda

alambre man ang galamay ng estado
‘di sintalas ng mata ng nag+aararo
mga anak ng araw ang insurhensya
init niya ang tumitimbang ng iyong motibo

refrain
huling araw ng lamay ng isang kasama
tumigil ang oras sa tubuhan
sa pisngi ni santa maria
bumagsak ang ulunan

chorus
sigaw ng lupa
“zara
patak ng iyong dugo
tanggi naming pataba”
“zara
daloy ng iyong dugo
tanggi naming pabasa”



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...