azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

plan b (phl) - tulay lyrics

Loading...

[intro]
no, no
yeah, yeah
no, no, yeah, yeah
no, hey

[verse 1]
‘di ko maiisip ang bawat kong pagsilip lang
sa ilalim pa ng maliwanag na buwan
ay sa tulay mo pang naisip na magdamdam
’di ko lang kasi naintidihan
gustong tumabi kaso ‘di na lang
kahit na malayo ka sa aking paningin
ay palihim na lang kitang kakantahan
makinig ka lang

[verse 2]
baliko man ang ‘yong himig, naputulan ng pag+ibig
bawat paghinga, may masikip ay luluwag sa paglabas ng tinig
himayin ang awit na ito
kasabay ko ang ’yong mundo
ramdam ko ang aking mga sinasalo
mga maiinit mong luha

[chorus]
tila kamantayan ang pinangarap
(oh+oh+oh) sa ibabaw ng tulay, inaabot ang ulap
at sa sarili ‘di mo masabi
ng pagbulong kasi kulong sa ‘king pagkakamali
kala mong harang ay isang (ay isang)
hudyat na dapat umuwi para magpahinga (magpahinga)
at bukas ulit ikaw naman ang siyang kakanta
ng kahit ano at ako na’ng bahala ang makinig para sa ‘yo
[verse 3]
makinig para sa ‘yo
‘pagkat sa lahat ng iyong sarilihang natamo (para sa ‘yo)
nakikita kong halatang gusto mo nang bumitaw
kaya ako’y naghahanda na palihim kang masalo
dahil sa laban na ’to ay tanging ikaw at ako
ang magpapakawala diyan sa idinadala mo
ako’y parang pana na dadalhin ka sa dapat mong puntahan
dahil tila ikaw ang aking nag+iisang palaso
subalit komplikado, malabo pa at magulo
paalala ko lang, pakiusap, para sa ’yo to
sana tumagos sa katawan mo hanggang sa buto
na ugat ng nilalaman nito ay ‘yong pagkabuo
gusto kitang masagip ngunit hindi na makayanan
pa na makatawid sa daanang walang hangganan
at sa makatuwid, pasensya’y ‘di na mahabaan
sa tulay na ’di malagpasan yung pinagdadaanan

[verse 4]
wala na, pilit ng pilit humawak para maulit
ngunit, naipit ng dahil sa gusto lang k+mapit ulit
sariling larawan unti+unti nang napupunit
at tinatanaw ko ang aking sarili do’n sa langit
pero bakit ni sarili ay ‘di ko na makasama?
kahit na tatayo pa ako sa tulay mag+isa
itoy pangako ko na lang kahit pa na mawala
ay sa liwanag ipaliwanag ang pagiging masama
[chorus]
tila kamantayan ang pinangarap
(oh+oh+oh) sa ibabaw ng tulay, inaabot ang ulap
at sa sarili ‘di mo masabi
ng pagbulong kasi kulong sa ‘king pagkakamali
kala mong harang ay isang (ay isang)
hudyat na dapat umuwi para magpahinga (magpahinga, yeah)
at bukas ulit, ikaw naman ang siyang kakanta
ng kahit ano at ako na’ng bahala ang makinig para sa ‘yo

[outro]
oh, yeah, para sa ‘yo



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...