quip - puwing lyrics
[verse 1]
k-musta ka na?
pati mga magulang mo k-musta sila?
k-musta na ang lolo’t lola mo’t mga kapatid
k-musta ang mga pangarap wag ka sanang maiinip, kahit
puro tanong walang sagot, parang sakit na walang gamot
madaling manimula ang mahirap ay magtapos
kaibigan kasama sa kwento at sa pikunan,
inuman at kalokohan, lugaw puto at gulaman ngunit
minsan ang ugnayan ay napapalitan
buhat ng selos at kung ano anong dahilan
tiwala, pera’t babae ay kinaiingitan
sekereto’y babalikan hanggang magkasiraan
madilim man at malabo layuning di sigurado
trabaho mong mamuno magturo’t maging piloto
gumalaw nang pusitibo hubugin ang pagkatao
di na kailangan ng tulog kung saan tayo patungo dahil
[chorus]
liwanag, ako ay napupuwing
kahit ngayon ay di na makaidlip
[verse 2]
‘di makapag-aklas sa batas na may butas
bigkas pa ng bigas baka kulangin yan pangbukas
buktot bulong ng ahas pumitas ka ng mansanas
aaatras ang alas kapag hinabol ka ng malas
hinangin ang kawayan ng mga b-mabatikos
haranahin ng kundiman, kung ‘di ‘man ay magtutuos
sino ang may sala? yung’di ba pinagpala
kaya naman pala, di nagdala ng pala.
wag mawawala, maghukay ka ng bangkay
gamit ang iyong kamay, ika’y magagamay
madadama’y patay, hindi buhay, biglang nahati ang tulay
biray na pang sakay, nagdalumpasay sa pasay
manok nakilahok, kukong lusok, nasulok,
lumiyok, tumilaok, antay nang onti, masa’y lililok
tatsulok na nalunok, kaya b-milaok
sistema na bulok pag may kaya, makakapasok
liwanag, ako ay napupuwing
kahit ngayon ay di na makaidlip
[chorus]
liwanag, ako ay napupuwing
kahit ngayon ay di na makaidlip
Random Lyrics
- chen wang emmanuel - yahweh lyrics
- das sound machine - car show lyrics
- miss may i - psychotic romantic lyrics
- king catcher - night ride lyrics
- miss may i - the artificial lyrics
- fixx - life's what's killing me lyrics
- tori kelly - should've been us lyrics
- maki otsuki - memories lyrics
- fixx - no hollywood ending lyrics
- miss may i - turn back the time lyrics