richard reynoso - ako'y narito lyrics
[verse 1]
sakaling ‘di mo masilayan ang ganda ng umaga
makaaasa ka, ako’y narito
sa alinlangan at pagsubok na iyong nadarama
makaaasa ka, ako’y narito
[chorus]
ako’y narito, kung kailangan mo’ng karamay
ng isang kaibigang tunay aalalay
ako’y narito sa pagdurusa ma’t kabiguan
tagumpay ma’t kaginhawaan, maaasahan
ako’y narito
[verse 2]
sakaling ‘di man maglilinaw ang kinabukasan mo
maaasahan mo, ako’y narito (ako’y narito)
at sa paglipat+lipat ng panahon
ay tiyak ang pagbabago
maaasahan mo, ako’y narito
[chorus]
ako’y narito, ikaw ay aking kakalingain
kahit kailan man abutin, iibigin
ako’y narito, aarugain ka sa tuwina
kahit sa pagtanda’y kasama tayong dalawa
[bridge]
magtatapat sa pangakong binitiwan
sa iyo at sa kanyang nagtakda sa atin
[verse 2]
(sakaling ‘di man maglilinaw ang kinabukasan mo)
maaasahan mo ako’y narito (ako’y narito)
at sa paglipat+lipat ng panahon
ay tiyak ang pagbabago
[outro]
maaasahan mo, magtatapat ako
ito ang pangako, woah, oh
ako’y narito
Random Lyrics
- catalina ammaturo - 8 (demo) lyrics
- rekswav - storyteller lyrics
- mon david - ang sumpa ng patay lyrics
- supp 4 real - complexe lyrics
- neevah - dream journal lyrics
- moon byul - like a fool lyrics
- yungbnb - december lyrics
- taburo bota - φαγητό (fagito) lyrics
- sorry... (black metal) - love lyrics
- lito kirino - no me convienes lyrics