
sayadd - para matulog lyrics
nang ganap na nakamit hinangad na tagumpay
ligaya na saglit ay may pait na kaugnay
ano ba ang kapalit ano ba ang nawala
manhid ka sa sakit ga+ano ka+na kalala
sa nakita natakam pamamagasa nakaltas
at di muna inalam ang inasam mo na antas
pinanindigan na lang kesa sa mapa atras
naging dapat ang hakbang sa hindi dapat na landas
nagasgas nang hinayang sa biglaang pag lukso
hangang nalulung pang lalo sa pangakong di husto
naghanap ka ng kulang.. ano bang naging butal
at hinahanap mong hinahanap mo sa maling lugar
sumarado na.. pag iisip ay..
di na para ma… lusob
at ang naabo.. na damdamin ay…
di na para ma… sunog
mas humirap nung minadali solusyon hindi agaran
o handa kang humilera sa umiyak na pinatahan
kung sang ayon ang lahat sa kung ano ang inasahan
ang sinosuong mo’y parehong patibong na tinakasan
ang paksa sa pagkatha ay mag banta sa mga mulat
nasalanta ang nagtangka sa naging akda ng mga sugat
ang punlang isinangla ay himala bang mapaugat
ang itinakda ay nakatakda na nakatakda kang sumalungat
kwestyonable ba ang halaga ng dinanas nang matapos
sa panong paraan ka naiba sa mga sumabay sa agos
naging lakas ay pagkasira.. pambihira.. nairaos
etong apoy ay ipapasa sa mga umasa nang maayos
ang bawat pangitain ay..
nawala na sa.. hulog
baka kaya… gumigising ay..
para lamang matulog
nagdikit ang mga talukap nalanghap itim na ulap
ang sinasabi ng kausap di ba kayang tyagain
mabahong halimuyak humihila’t tumutulak
hangang pumalya ang utak sa pagiging salarin
sukli sa inatupag pighati ang pampalubag
mga labi na linamutak ibinahagi pasalin
kalooban na busilak kontaminado na may yurak
at aminado nang nabulag sa maari na gawin
ano ba ang alin.. magpugay ka halina
tumirik ang takbo o ang tumirik buong pila
kabadong suwagin.. mga sungay ay bali na
panaginip lang bato o ang panaginip yung kanina
Random Lyrics
- robleis - p guantes o blancos v lyrics
- tyfontaine - i shouldn’t be here lyrics
- kt47 - mixea_highbright_project_79 lyrics
- robbie winsor - the four of us (said and done) lyrics
- trapgus - leo molly lyrics
- edgar winter - stormy monday blues lyrics
- laura-mary carter - four letter words lyrics
- bana troll - rip blanquito lyrics
- qimp & goaty - designer lyrics
- сд (king sd) - стая (the pack) lyrics