shirebound and busking - lpl lyrics
[verse 1]
panakaw+nakaw ng tingin
bakit hindi ka namamansin?
tingin mo ba ako’y natutuwa
sa paumanhin mong nanunuya?
[verse 2]
hahawakan kong ngiti
na binura na ng lamig
tinataboy mo ba ako?
o tinatawag sa’yong tabi?
[chorus]
sorry kung hindi mo nabalitaang
naimbento na ang paalam
[verse 3]
nayayanig kong daigdig
gamit ang ’yong mga mata
kung nagtitipid ka ng papel
ay libre lang magsalita
[bridge]
pasalubong mong katahimikan
mas gusto ko nang mapagalitan
[chorus]
sorry kung hindi mo nabalitaang
naimbento na ang paalam
at sorry kung masyadong matimbang
hinihiling kong kaliwanagan
[chorus]
sorry kung hindi mo nabalitaang
naimbento na ang paalam
at sorry kung masyadong matimbang
hinihiling kong kaliwanagan
[outro]
at sorry sa’king sarili
‘di na matitikman ang kalig+yahan
Random Lyrics
- basic boy - напрягаюсь (i'm straining) lyrics
- skeng - elvis presley lyrics
- rapanizze` & sp0ke - глeднa тoчкa lyrics
- astro e - sumday lyrics
- pacani - arcade lyrics
- stu26 - primavera lyrics
- matsby (matsbynewage) - easy trap lyrics
- peter bič project - maky lyrics
- dierks bentley - old pickup lyrics
- hurakan (band) - xenometh lyrics