sinagbayan & ericson acosta - balang araw lyrics
Loading...
[verse 1]
lupang kababata ng mga punong kahoy
kahoy na kasingtanda na nitong lupa
lupang pinatatahan ng amihang simoy
amihang naluluha sa kwento ng lupa
[chorus]
ahhh
ang lahat ng ito ay
sa atin na balang araw
ahhh
at kung gayon ay para sa lahat
balang araw
balang araw
balang araw
babala ang bala’t balaraw
[verse 2]
pagawaang tumutunaw
sa iba’t ibang bakal
bakal na humuhulma sa mga pagawaan
pagawaan ng pawis na kinakalakal
pawis na siyang tutubos
sa lahat ng pagawaan
[chorus 2x]
ahhh
ang lahat ng ito ay
sa atin na balang araw
ahhh
at kung gayon ay para sa lahat
balang araw
balang araw
balang araw
babala ang bala’t balaraw
Random Lyrics
- sinclair (fra) - s'en aller lyrics
- goldrinn - убитый вами (killed by you) lyrics
- la adictiva - las personas normales lyrics
- morada - boa nova (part. eli soares) lyrics
- lolo morales - adicto al vodka* lyrics
- sakaree & desolate lands - summoning circle lyrics
- jaitekken - xo tour llif3 lyrics
- salvanic - call me bruh lyrics
- anar əlizadə - arzu lyrics
- tnt (prt) - mad about lyrics