sugarfree - panata sa bayan lyrics
[verse 1]
alin mang sulok ng daigdig aabutin
ihahatid ang napapanahong balita
balita’y dapat balita lang
walang kulay o bahid ng panlilinlang
ang tanging hangarin ay maparating
ang katotohanan
[refrain]
kapuso tayo
tapat sa pagbabalita
kapuso, ikaw at ako
kapuso tayo
tapat sa pagbabalita
‘di pagagamit kaninuman
[chorus]
katotohanang magpapalaya sa bayan (hahanapin, babantayan)
katotohanang magpapalaya sa bayan (haharapin, ipaglalaban)
katotohanan ang panata namin sa bayan
[verse 2]
magpasya para sa sarili
‘di kailangang maniwala sa sabi-sabi
ang susi ay katotohanang hawak mo
at ‘pag nakamtan
ito’y makapangyarihan
ang piring at takot natatanggal
pinakikilos… inaahon ang bayan
[refrain]
kapuso tayo
tapat sa pagbabalita
kapuso, ikaw at ako
kapuso tayo
tapat sa pagbabalita
di pagagamit kaninuman
[chorus]
katotohanang magpapalaya sa bayan (hahanapin, babantayan)
katotohanang magpapalaya sa bayan (haharapin, ipaglalaban)
katotohanan ang panata namin sa bayan
[coda]
katotohanan, palaganapin pa
ilaw sa dilim, bayan lumaya ka
[chorus]
katotohanang magpapalaya sa bayan (hahanapin, babantayan)
katotohanang magpapalaya sa bayan (haharapin, ipaglalaban)
katotohanan ang panata namin
katotohanan ang panata namin
katotohanan ang panata namin sa bayan
Random Lyrics
- wagner almeida - eu sei que foi sem querer lyrics
- sovereign grace music - rejoice lyrics
- mehki raine - dreams lyrics
- dizzy dames - bed head lyrics
- aul persneling - that boy lyrics
- lil skritt - hot sauce in my fanny pack lyrics
- we still dream - go for the gold lyrics
- dylan rosay - now lyrics
- deth2flame - hostile lyrics
- heitor josé - você só tem que acreditar lyrics